Sarah Geronimo, T-Shirt lang ang suot sa unang wedding photo nila ni Matteo

Sarah Geronimo, T-Shirt lang ang suot sa unang wedding photo nila ni Matteo

- Kasabay ng mga pagbati sa mag-asawang Matteo at Sarah Guidicelli, hinangaan ng publiko ang kanilang pagmamahalan

- Higit sa kung anu paman, marami ang nakapansin sa kasimplehan ng kanilang Christian wedding

- Bago pa ang napabalitang kasal nila, nag-taping pa ang popstar sa The Voice teens kung saan isa siya sa mga coaches

- Lalong hinangaan ng karamihan si Sarah nang makitang ganun pa rin ang suot niya sa unang wedding picture nila ni Matteo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan ang kasalang Matteo at Sarah matapos magreklamo ang guard ni Sarah Geronimo. Inakusahan nito si Matteo ng pananakit sa kanya.

Sa kabila ng mga gulong naganap, marami ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan sa pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Sila ay ilan lamang sa mga showbiz couples na maituturing na low key at simple.

Kaya naman hindi kataka-taka na marami ang nagmamahal sa kanila. Isa sa mga napansin ng mga netizens ay ang suot ni Sarah sa unang wedding photo na ibinahagi ni Matteo sa social media. Kapansin-pansin ang kanyang suot na damit na parehas din sa suot niya habang nasa taping ng The Voice Teens, ilang oras bago naganap ang kasalan.

Ayon sa mgan netizens, nakakahanga na isang kagaya ni Sarah na maituturing na isa sa pinakamayamang artista ang kasimplehan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Imbes na magpalit ng magarang kasuotan para sa kanilang kasal, kapansin-pansin na tanging ang hikaw lamang niya ang nabago mula sa kanyang attire.

Pinatunayan diumano niyang mas mahalagang maikasal sa taong mahal niya kaysa sa anu pamang bagay.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

POPULAR: Read more about Sarah Geronimo here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: Human Meter asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Click the play button and see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel