Mag-aamang mula Naga hanggang Maynila ay sakay lang ng kariton, sinubaybayan ng netizens

Mag-aamang mula Naga hanggang Maynila ay sakay lang ng kariton, sinubaybayan ng netizens

- Viral ang larawan ng mag-aamang nagbiyahe mula Naga hanggang Maynila

- Hinahanap na raw kasi ng mga bata ang kanilang ina na namamasukan sa Maynila

- Nakita na nila ang ina ngunit di ito nakasama sa kanyang pamilya dahil marami pa raw itong utang sa kanyang amo

- Nang tinatahak na muli ng mag-aama ang daan pabalik ng Naga, ayroon na raw nagmalasakit na bigyan ito ng pamasahe, pagkain at pocket money upang makasakay na ang mga ito ng bus

- Sinubaybayan ng mga netizens ang kwento ng mag-aama dahil sakumakalat na balitang modus lamang daw ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa ng ingay sa social media ang mga larawang kuha sa amang nagbiyahe di umano mula Naga papuntang Maynila tulak-tulak ang kariton kung saan sakay ang kanyang mga anak.

Isa sa mga nagbahagi ng kanilang larawan ay ang Facebook page na Unico Laguna.

Ang kanilang grupo umano ang nakakita sa mag-aama na nagbibiyahe at napansin ang karatulang nakalagay patungkol sa kanilang sitwasyon.

Nalaman ng KAMI na hinanap pala ng mag-aama ang ina ng kanilang tahanan na namamasukan sa Maynila.

Nahanap naman na nila ito ngunit sa dami ng pagkakautang nito sa kanyang amo, di pa ito pinayagang makasama ang pamilya pabalik sa Naga.

Kaya naman pabalik na lamang daw muli ang mag-aama sa Bicol tulak pa rin ang kariton.

Naabutan din sila ng naturang grupo ng tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit sa comment section ng post, may ilang nakapagsabing tila isa itong modus na ginagawa na ng "ama" noon pang 2018.

Ang ilan naman ay nagsabing tila hindi pabalik ng Bicol ang tinatahak na daan ng mag-aama at parang papunta naman ito ng Rizal.

Isang netizen naman na nagngangalang Renato Flores ang nakapagsabing nabigyan na ng pamasahe pauwi ng Naga ang mag-aama at napabaunan pa nila ito ng pagkain at pocket money.

Anuman ang katotohanan sa tunay na kalagayan ng mag-aama na tila sinubaybayan ng mga netizens, nangangailangan pa rin sila talaga ng tulong.

Hangad lamang ng marami sakaling hindi totoo na eksena na ito ng mag-aama, ay maisipan na lamang ng lalaki na manatili sa kanilang probinsya upang doon maghanapbuhay habang nakakapag-aral pa ang kanyang mga anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel