Video ng madiskarteng tindero na hinangaan ng marami, mahigit 1 milyong views na

Video ng madiskarteng tindero na hinangaan ng marami, mahigit 1 milyong views na

- Nag-viral ang video ng madiskarteng tindero ng gamit pang-kusina na maging sa loob ng jeep ay nagagawang magbenta

- Nagde-demo siya sa mga sakay at talagang nakamamangha ang kanyang kasipagan at pamamaraan sa pagtitinda

- Tapat siya sa kanyang inilalako at ang maganda pa raw kasi rito ay abot kaya lamang ang halaga ng kanyang itinitinda

- Natuwa ang mga netizens at sana raw ay pamarisan ng marami ang kasipagan na ito ng lalaki na tunay na biyaya sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang nakaka-inspire na video ng isang naglalako ng gamit pang-kusina sa loob ng pampasaherong jeep sa Lucena City.

Binahagi ni Misael Ramos ang video kung saan nagawang mag-demo ng vendor sa loob mismo ng keep habang umaandar ito.

Nalaman ng KAMI na mga panghiwa at pang disenyo ng gulay at prutas ang kanyang nilalako kaya naman may dala siyang pang sample kung paano gamitin ang kanyang paninda.

Tapat niyang pinakikita ang kalidad ng kanyang produkto na ang maganda pa raw dito ay abot kayang halaga pa ito mabibili.

Ayon pa sa vendor, pauwi na raw kasi siya kaya naman inuubos na lang niya ang kanyang paninda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Suot ang kanyang lapel, tray ng mga gulay at prutas, masusi niyang pinakikita kung paanong ang 100 pesos na halaga ng gamit pang-kusina ay marami na ang magagawa.

Natuwa ang kumukuha ng video at napabili tuloy sila ng dalawa sa tindero.

Maririnig pang nag-komento ito na kahanga-hanga raw ang marketing strategy ng lalaki at nararapat lamang na ito ay suportahan.

Umabot na sa mahigit 1 milyon ang views ng video.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel