Ai-Ai delas Alas, nawindang nang mapagbintangan dahil sa nawawalang T-shirt ni Sarah

Ai-Ai delas Alas, nawindang nang mapagbintangan dahil sa nawawalang T-shirt ni Sarah

- Naibahagi ni Ai-Ai delas Alas ang naging karanasan niya nang makatrabaho noon si Sarah Geronimo sa iasng teleserye

- Isa diumano siya sa napagbintangan nang mawala ang t-shirt ni Sarah

- Gayunpaman, nilinaw ni Ai-Ai na naging maayos naman sila ni Mommy Divine

- Ikinawindang lamang niya na pinacheck pa sa loob ng kotse niya kung naroroon ang nawawalang t-shirt ng singer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan ng mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli at Mommy Divine, naitanong kay Ai-Ai delas Alas kung ano ang kanyang saloobin hinggil dito.

Matatandaang nakatrabaho ni Ai-Ai si Sarah sa teleseryeng Bitung Walang Ningning. Siya ang gumanap bilang nanay ng popstar sa nasabing palabas.

Sa isang ulat sa Philippine Star sa panulat ni Gorgy Rula, puring-puri niya si Sarah at inilarawan ito bilang mabait na anak at kapatid. Naging maayos naman daw sila ni Mommy Divine noon sa kabila ng pangyayari sa taping kung saan isa siya sa napagbintangan na sila ang kumuha ng t-shirt ni Sarah.

“Medyo na-off lang ako nang konti," ani Ai-Ai.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, nilinaw ng Comedy Queen na wala na sa kanya yun. Nawindang lang siya nang ipa-check pa ni Mommy Divine sa assistant ng anak ang kotse ni Ai-Ai.

Hindi daw niya nasaksihan iyon dahil nauna na saiyang umalis. Para sa kanya, deserve ni Sarah ang isang napakabait na asawang kagaya ni Matteo.

Samantala, isang taos-pusong pagbati ang ibinahagi ni Ai-Ai para sa mag-asawa matapos pumutok ang balita tungkol sa kanilang kontrobersiyal na kasal.

"Congratulations Mr & Mrs Guidicelli.. more years to come sa inyong pagsasama .. naway biyayaan kayo ng mga cute at malulusog na babies .. at isang napakaganda at puno ng pag mamahal na pag sasama "

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan ay isang performer, comedienne at film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit.

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, naging emosyonal si Ai-Ai nang magbigay siya ng mensahe matapos masangkot sa gulo ang dating anak-anakan na si Jiro Manio.

POPULAR: Read more about Ai-ai delas Alas here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: Human Meter asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Click the play button and see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel