16-anyos na kontesera, napabilib nang husto si Apl de ap

16-anyos na kontesera, napabilib nang husto si Apl de ap

- Namangha ang International singer/rapper at mentor ng The Voice Teens Philippines na si Apl de ap sa isang 16 anyos na contestant ng blind auditions

- Bukod kasi sa nakakakanta ito, mahusay din itong mag-rap

- Sinabi pa nga ni Apl de ap na tila mas mahusay pa itong mag-rap kaysa kanya

- Bagaman at napahanga rin ang iba pang judges/mentors, pinaubaya na nila ito kay Apl de ap kung saan mas mahahasa pa raw ng dalagita ang husay niya sa pag-rap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ang 16 taong gulang na contestant ng The Voice Teens 2 dahil sa napahanga nito sa kanyang "rapping skills" si Apl de ap.

Sa isang episode ng Blind Auditions ng naturang paligsahan sa kantahan, mabilis na napaikot ng upuan ang international singer/rapper sa contestant na si Chermin "CZ" Baylosis.

Kinanta ng dalagitang ito ang "Halik Sa Hangin" kung saan bukod sa pagkanta at may parte ang awitin kung saan kailangan niya itong i-rap.

Bagaman at hindi niya napaikot ng upuan ang ibang coaches na sina Sarah Geronimo, Lea Salonga at Bamboo, umani pa rin si CZ ng papuri mula sa mga ito.

Naniniwala kasi ang mga coaches na mas mapapaghusay pa ni CZ ang kanyang kakayahan sa pag-awit at pag-rap sa pamamahala ni Apl de Ap.

Samantala, aminado si coach Apl na tila mas mahusay pa nga raw sa kanya si CZ.

"The beginning was a little shaky but when you started rapping, I knew I had to turn, You rap better than I do!" pahayag ng isa sa miyembro ng international singing group na Black Eyed Peas.

Kasama na si CZ sa Team Apl ng The Voice Teens 2.

Narito ang kabuuan ng kanyang performance mula sa YouTube ng The Voice Teens Philippines:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel