Coco Martin, pinangunahan ang pagsorpresa kay Lolo Delfin sa kanyang kaarawan

Coco Martin, pinangunahan ang pagsorpresa kay Lolo Delfin sa kanyang kaarawan

- Isang sorpresa ang inihanda ng "Ang Probinsiyano" family para sa batikang aktor na si Jaime Fabregas

- Pinangunahan ng aktor at direktor na si Coco Martin ang sorpresa sa aktor na kilala bilang si Lolo Delfin

- Isang taos-pusong pagbati ang ibinahagi ni Coco para sa kanyang Lolo Delfin na ayon sa kanya ay mahal niya at ng buong FPJ’s Ang Probinsyano family

- Isa ang batikang aktor sa pinakamatagal na cast ng primetime show ng Kapamilya network na malapit nang umabot sa limang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang pinangunahan ni Coco Martin ang isang sorpresa sa kaarawan ng batikang aktor na si Jaime Fabregas na nakilala bilang si Lolo Delfin sa primetime series na "FPJ's Ang Pronbinsiyano."

Makikita sa ibinahaging video ng Instagram account ni Coco na may bitbit siyang cake habang kumakanta ng "Happy Birthday" at naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Lolo Delfin.

Kasama din ni Coco ang ilan sa kasamahan nila sa teleserye kabilang na ang award-winning actor na si Tirso Cruz III.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Happy Birthday Lo! Mahal ko ang taong to at ng buong FPJ’s Ang Probinsyano Family," ani Coco sa kanyang pagbati.

Maituturing na isa sa may naging pinakamatagal na cast ng show si Lolo Delfin.

Si Coco Martin ay unang sumikat sa paggawa ng mga indie films. Siya ay kasalukuyang bumibida bilang si Cardo Dalisay sa Kapamilya primetime show na FPJ's Ang Probinsiyano. Bukod sa pag-arte, isa na rin siya sa direktor ng nasabing teleserye na malapit nang umabot sa ikalimang taon nito simula nang una itong inere noong September 28, 2015.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: Human Meter asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Click the play button and see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel