Pinay OFW, maswerte sa employer na laging nakiki-TikTok sa kanya

Pinay OFW, maswerte sa employer na laging nakiki-TikTok sa kanya

- Viral ang videos ng isang Pinay OFW na laging kasama ang kanyang amo sa mga TikTok videos

- Namangha ang mga netizens dahil bibihira na raw ang mga ganitong employer

- Game na game kasi itong sa pagsama sa mga TikTok videos ng Pinay at kitang-kita rin ang kakulitan nito

- Maging ang netizen na nagbahagi ng video at natuwa para sa OFW dahil maayos ang pakikitungo ng amo nito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang di umano'y mga TikTok videos ng isang Pinay OFW at amo nito.

Binahagi ng Facebook user na si Shery Rose ang makukulit na videos ng OFW na may pangalang "tatzie_17" sa TikTok kasama ang kanyang amo.

Panigurado raw kasi, hindi naho-homesick ang OFW dahil sa kakulitan ng amo nito.

Parang magbarkada pa nga raw ang dalawa at nakisali pa ang amo sa pagsayaw ng Pinay ng 'Tala'.

Dagdag pa ni Shery, kung ganito raw ang kanyang amo, di na raw niya maiisipan pang umalis.

Makikita kasi sa iba't ibang videos "tatzie_17" kung gaano kaayos ang trato ng kanyang amo sa kanya.

May video na pnga ito na ang employer niya ang may hawak ng baby at nakisabay pa rin ito sa video ni "tatzie_17".

Napa-"sana all" na lang ang iba pang mga netizens dahil sa bibihira na raw talaga ang mga ganitong klaseng amo na kakaibiganin ang mga OFW at itatrato ng maayos tulad nito.

Sana rin lang ay di abusado ang Pinay na baka naman daw puro TikTok na lang ang atupagin.

Pahalagahan daw sana nito ang trabaho lalo na ang kabutihan ng amo dahil masasabing maswerte na ito sa kanyang napasukang trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan pa sa mga komento ng netizens:

"Cute ..sna lahat ng amo gnyan.para masaya din mga helper"
"Ang cute sana lahat ng amo ganiyan ka cool at kabait yung marunong makipag sabayan sa.katulong"
"Bait nman n madam s kasambahay nya sna lahat ganito amo ehh no...pra happy happy lng lhat dba"
"Galing nmn...nd ka talaga mahohomesick kpg ganyng kasundo mo amo mo maging sa kalokohan man o kasiyahan mo..."
"Sana ganyan lahat ng amo walang mga ofw nasasaktan"
"ang bait tlga ng amo mo swerte ka at yan ang naging amo mo kya pagbutihin mo un pakikisama mo sa knya madalang lng un amo na ganyan kabait.god bless us all."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel