Mababatas sa Iran na tinamaan ng COVID-19, pumanaw na

Mababatas sa Iran na tinamaan ng COVID-19, pumanaw na

- Isa sa limang Iranian na tinamaan ng COVID-19 ay naiulat na pumanaw na

- Kasalukuyan nang nasa 43 ang namamatay dahil sa virus na ito at pinakamalaking bilang na ito sa labas ng China

- Matatandaang maging ang Deputy Health Officer ng kanilang bansa ay kasalukuyang naka-quarantinde matapos na siya rin mismo ay magpositibo sa COVID-19

- 593 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa nakamamatay ng virus sa Iran

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na ang isa sa mga kakaupo pa lamang ng mambabatas ng Iran na tinamaan ng Coronavirus disease 2019.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, maging ang vice minister at apat pang mambabatas sa kanilang bansa ay di nakaligtas sa kinatatakutang virus.

Sa naunang ulat ng KAMI, matatandaang maging ang kanilang Deputy Health Minister na si Iraj Harirchi ay kasalukuyang naka-quarantine matapos na mag-positibo rin sa virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binahagi ng abc.net ang kanyang video kung saan inamin niya mismo ang kalagayan matapos na mapansin ng ilan sa isinagawa nilang press conference tungkol sa COVID-19 sa kanilang bansa na panay na ang pag-ubo nito at labis na pagpapawis.

43 na ang kumpirmadong pumanaw sa Iran dahil sa nakamamatay na virus at pumalo na sa 593 ang nagpositibo sa sakit na ito.

Base sa ulat ng Independent, nagimula na ring magpasara pansamantala ng Iran ng mga paaralan at pinaiiwas na muna ang mga tao roon sa mga social gatherings upang makaiwas sa lalo pang paglaganap ng virus sa kanilang bansa.

Ang Coronavirus disease 2019 na unang nakilala bilang 2019 novel coronavirus ay pinaniniwalaang nagmula sa Wuhan, China kung saan libo-libo nang buhay ang nawala dahil sa matinding outbreak nito sa kanilang bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel