Resulta ng ilang tests sa mag-inang biktima ng kanilang amo, lumabas na

Resulta ng ilang tests sa mag-inang biktima ng kanilang amo, lumabas na

- Sumailalim na sa mga medical tests ang mag-inang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa pang-aabuso ng kanilang amo

- Lumabas sa mga ginawang pagsusuri na positibong sinaktan ang mag-ina

- Hindi napigilan ng anak na si Rhea na maluha nang makita ang resulta ng pagmamalupit umano sa kanya

- Marami sa mga netizens ang nanlumo at naglabas ng pagkahabag sa sinapit ng mag-ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa wakas ay lumabas na ang resulta ng mga pagsusuring medikal sa mag-inang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong na makamit ang hustisya sa diumano'y pagmamalupit ng kanilang amo na kinilalang si Trifona.

Sumailalim sa x-ray at CT scan ang mag-ina upang masusing masuri ang kanilang iniindang sakit at pati na rin maidagdag sa ebidensiya ng pang-aabusong kanilang tinamo sa amo pati na rin sa mga anak nito.

Kumunsulta na rin sila sa isang abogado para malaman ang kanilang kasong isasampa kay Trifona.

Hindi naman mapigilang maluha ni Rhea nang makumpirma ang bali na tinamo niya. Wala namang tinamong seryosong pinsala ang kanyang ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lumabas din sa pagsusuri ang dahilan ng panlalabo ng mata ng mag-in. Ayon sa espesyalistang sumuri sa kanila, si Rhea ay may namumuong cataract habang ang kanyang ina naman aynagkaroon na ng glaucoma.

Hindi naman napigilang mag-react ng mga netizens dahil sa awa sa sinapit ng mag-ina.

Naiyak rin ako at napapa “dyos ko po”. grabe naman yung ginawa sa mag ina.

Kada iyak ni Rhea, umiiyak din ako

Grabi talaga, Hindi ko ma imagine yung pinagagawa sa amo nila! Need talaga ng justice to!

Sa naunang ulat ng KAMI, naiyak si Raffy Tulfo nang mapakinggan ang kalunos-lunos na sinapit ng mag-ina.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: Human Meter asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Click the play button and see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel