Lalaki sa China, di natakot mag-CPR sa matandang hinimatay sa kabila ng COVID-19 outbreak

Lalaki sa China, di natakot mag-CPR sa matandang hinimatay sa kabila ng COVID-19 outbreak

- Hindi nagdalawang isip ang isang lalaki sa China i-CPR ang matandang hinimatay sa isang mall

- Makikita sa video ang sinseridad ng lalaki sa pagtulong dahil tinanggal pa niya ang kanyang mask habang isinasagawa ang CPR sa matanda

- Sa kabila ng outbreak ng Coronavirus disease sa China, ginawa pa ring tumulong ng lalaki

- Hindi siya natakot na baka kaya hinimatay ang matanda ay dahil sa tinamaan na ito ng nakamamatay na virus

- Bago pa man dumating ang medical team, nanumbalik na ang hininga ng matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakaantig ang eksena na nakunan sa isang mall sa Yuzhou city sa China kung saan lakas loob na nagsagawa ng cardiopulmonary resuscitation o CPR ang isang lalaki sa matandang hinimatay roon.

Binahagi ng Xinhua News Agency ang nakakaantig na eksenang ito. Sa kabila kasi ng outbreak ng Coronavirus disease 2019 outbreak lalo sa China, hindi nagdalawang isip ang lalaki na tumulong.

Nalaman ng KAMI na tinanggal pa talaga ng lalaki ang kanyang mask upang maisagawa ng tama ang CPR maisalba lamang ang buhay ng matandang bumulagta na lamang.

Mahalaga ang pagsusuot ng mask sa China lalo pa at laganap ang pagkalat ng COVID-19 doon.

Ayon sa CGTN, napag-alamang isa pa lang doktor ang lalaking tumulong na ito.

Ngunit kahit pa siya ay doktor, hindi naman nangangahulugang ligtas na siya sa nakamamatay na virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Patuloy ang pag-CPR ng doktor habang tumatawag naman ng suporta ang ilan upang madala sa pagamutan ang matnada.

Base sa ulat ng People's Daily China, napag-alamang huminga na muli ang matanda bago pa man dumating ang medical team sa lugar.

Maraming netizens ang namangha sa buwis buhay na ginawa na ito ng doktor.

Wala kasing kasiguraduhan ang kanyang kaligtasan sa pagtulong na kanyang ginawa ngunit nagmalasakit pa rin siya sa taong nangangailangan ng kanyang serbisyo.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel