Raquel Pempengco, naka-relate sa sakit na pinagdadaanan ni Mommy Divine

Raquel Pempengco, naka-relate sa sakit na pinagdadaanan ni Mommy Divine

- Inihayag ni Raquel Pempengco ang kanyang saloobin tungkol sa kontrobersiyal na isyu na kinasasangkutan ng mag-inang Sarah at Divine Geronimo

- Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa gulong nangyari sa kasal ni Sarah at Matteo Guidicelli

- Ayon kay Raquel, masaya siya para kay Sarah pero naiintidihan niya diumano ang sakit na nararamdaman ni Mommy Divine

- Nagkaroon din ng di pagkakaunawaan si Raquel at ang kanyang anak na kilala ngayon bilang si Jake Zyrus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, inihayag ni Raquel Pempengco ang kanyang saloobin tungkol sa kontrobersiyal na kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na ikinasama ng loob ng ina ni Sarah.

Ayon kay Raquel, masaya siya para kay Sarah pero sana ay pinaalam na lamang niya sa ina niya ang planong pagpapakasal kahit pa tutol ito. Binanggit din niya ang laki ng sakripisyo ng popstar para makatulong sa kaniyang pamilya.

Dagdag pa niya, bilang isang ina, ramdam niya ang sakit na naramdaman ni Mommy Divine.

Happy ako kasi nahanap na ni Sarah G ang hapiness nya, yun nman ang importante. In a way napakalaking sakripisyo nya na sa pamilya nya ang nakatulong ng 15 years...Pero bilang Ina napakasakit ang pinagwalang bahala ka ng isang anak. Sana sinabi na lang ni Sarah in a nice way na nasa tamang edad na po ako...kahit sa gusto o ayaw nio nagpapaalam lang ako bilang respeto. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Mommy Devine....

Matatandaang naging malaking isyu din ang pagkakasamaan ng loob ni Raquel at ng anak na ngayon ay kilala sa pangalang Jake Zyrus. Hindi naging maganda ang reaksiyon ni Raquel sa ipinalabas na kwento ng buhay ng anak sa Maalaala Mo Kaya. Sa librong sinulat, nilabas din ni Jake Zyrus ang diumano'y sinapit niya sa kamay ng kanyang ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raquel Pempengco ay nakilala sa showbiz bilang ina ni Charice Pempengco. Si Charice ay lumantad bilang miyembro ng LGBT community at nagpalit ng kanyang pangalan. Siya ay lkasalukuyang kilala sa pangalang Jake Zyrus.

POPULAR: Read more about Jake Zyrus here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: Human Meter asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Click the play button and see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel