Mag-asawang pinalalayas sa wasak nilang bahay, emosyonal nang makatanggap ng tulong

Mag-asawang pinalalayas sa wasak nilang bahay, emosyonal nang makatanggap ng tulong

- Nakatanggap ng tulong ang pobreng mag-asawa mula Kalibo, Aklan na pinalalayas na ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng kanilang sira-sira nang bahay

- Nakatanggap ng impormasyon si radio anchor na si Archie Hilario tungkol sa kalagayan ng matandang mag-asawa na hirap na sa kanilang kalagayan

- Wala na rin daw kasing maayos na pinagkakakitaan ang dalawa kaya labis silang namumroblema kung paano sila makakapaglipat gayung wala rin silang malilipatan

- Dahil sa tulong ng netizens, nabiyayan ang mag-asawa ng mga grocery items kasama na ang isang sakong bigas upang matiyak na may makakain sila sa mga susunod na araw

- Bukod dito, may nagbigay din ng perang maari raw magamit ng mag-asawa upang makapagpatayo ng malilipatan nilang kubo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maluha-luhang tinanggap ng mag-asawang sina Lola Sally at Lolo Chololo ang tulong na ipinagkaloob sa kanila ng radio anchor na si Archie Hilario ng Kalibo, Aklan.

May nakapagsabi kasi kay Archie ng kalagayan ng mag-asawang pinalalayas na ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng kanilang bahay.

Kaya naman sa tulong ng kanyang YouTube channel na 'Pobreng vlogger', naipakita ni Archie ang kalunos-lunos na kalagayan ng mag-asawa.

Wasak na wasak na ang bahay nito na delikado na ring bumigay anumang oras.

Ngunit nagti-tiyaga na lamang ang mag-asawa gayung ang pinuproblema nila ay malilipatan.

Emosyonal si Lola Sally habang ikinikwento niya ang kalagayan nilang mag-asawa.

Dala kasi ng kanilang edad, wala na raw makuhang maayos na trabaho ang dalawa.

Si Nanay Sally na lang ang dumidiskarte ng kanilang pagkakakitaan tulad ng paglalabada, pagtitinda ng kamote at bananacue at maging pagtatanggal ng damo.

Dahil dito, agad na nagdala ng tulong kinabukasan si Archie Hilario para sa mag-asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dinalhan nila ito ng isang sakong bigas at mga grocery items na kailangan ng mag-asawa sa araw-araw.

Di napigilan ni Lola Sally ang maluha sa mga biyayang kanilang natanggap.

Bukod pa rito, nakatanggap din ng perang nagkakahalaga ng ₱11,000 ang mag-asawa mula sa mga nagmalasakit na netizens.

Ito raw ay maaring magamit ng mag-asawa upang makapagpatayo na sila ng sarili nilang kubo at tuluyan nang makaalis sa wasak na bahay na kanilang tinitirahan sa ngayon.

Laking pasalamat ng mag-asawa sa tulong na kanilang tinamasa.

Ayon pa kay Archie, susubaybayan pa rin nila ang mag-asawa upang masiguro na magiging maayos ang pagpapagawa ng mga ito ng bagong tirahan at maging ang paglilipat ng mga ito.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel