Frankie Pangilinan, umaming nangungulila sa amang si Kiko Pangilinan

Frankie Pangilinan, umaming nangungulila sa amang si Kiko Pangilinan

- Mararamdaman ang pangungulila ni Frankie Pangilinan sa amang si Kiko sa bagong Instagram post nito

- Nakakatuwa rin nitong sinabi na may kinuha siya sa lalagyan ng libro ni Senator Pangilinan at hindi ito nagpaalam ngunit nagsorry naman ito sa ama

- Naiisip raw ni Frankie ang ama kahit nasa malayo ito at kahit hindi Father's Day ay ibinahagi niya kung gaano siya ka-proud sa kanyang daddy

- Hindi man daw niya nasasabi ito ng harap-harapan pero natutunan umano niya ang pagiging matapang at maprinsipyo sa ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Makabagbag damdamin ang bagong Instagram post ni Frankie Pangilinan para sa amang si Kiko Pangilinan.

Si Frankie na kilala ng lahat sa palayaw na "Kakie" ay nasa bansang Amerika at nag-aaral sa New York City. Kamakailan lang ay ibinahagi ng inang si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram post ang paghatid nila sa kanya sa airport.

Mahaba at puno ng admiration ang mensahe ni Kakie sa ama na may kalakip na isang larawan nila ni Kiko noong siya ay bata pa.

Sinimulan niya ang mensahe sa pagsabing, “It’s not Father’s Day, but I am thinking of you. There is a picture in my head of you in the sala. Sipping your morning coffee over the paper with your folders neatly stacked somewhere nearby.”

Dagdag pa ni Kakie na hindi niya alam kung nakita na ni Kiko na may isa siyang nawawalang libro sa lalagyan nito at inamin niyang siya ang kumuha noong Pasko.

“It’s Axelrod’s Profile in Audacity, sorry! But your mind has been filled with other things, so I’ll let it slide.”

Nagparinig rin itong malamig na roon sa Amerika, “It is cold here, yes, I’m keeping warm,” sabi ni Kakie na para bang kausap lang ang ama.

Ang mga susunod na mensahe ay pagpupugay ng isang anak sa ama na walang sawa raw ginugugol ang oras sa trabaho.

Binahagi rin niyang hindi man niya ito madalas na sinasabi, proud na proud siya sa ama at sa lahat ng natutunan niya rito.

“I find there are less and less words to describe how wholly and completely proud I am of you. I haven’t said it so loudly due to misplaced anxieties and fear of unease,”

Mararamdaman mo ang maturity sa mensahe ni Kakie ngunit ito’y parang naguguluhan sa mga masasamang nangyayari sa kasalukuyan.

“There are more days now that the bad seem to heavily outweigh the good, “ sabi ni Kakie.

Pero pahayag naman nito na natutunan niyang huwag sumuko at dahil sa pinakitang prinispyo at tapang ng amang si Kiko, di rin ito patitinag.

Natapos ang mensahe sa isang cryptic message na 19-2 at sa bisaya sinabi nito: “padayon, dada ko…nagmamahal Kakie.” Na ang ibig sabihin naman ay "ipagpatuloy mo lang dada ko".

Sa isang ulat ng KAMI, may binigay na regalo si Kiko kay KC Concepcion, kahit pa may balitang di pagkakaunawaan ang mag-inang Sharon at KC.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Frankie Pangilinan ay panganay na anak nina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Maricar Reyes shares her sweet-tooth business in our exclusive interview and she tells us more about her struggles in keeping up with competitors. Check out all of our videos on HumanMeter YouTube channel.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel