Kris Aquino, umalma sa akusasyon ng mga netizens na magnanakaw ang kanyang pamilya

Kris Aquino, umalma sa akusasyon ng mga netizens na magnanakaw ang kanyang pamilya

- Pranka at diretsang sinagot ni Kris Aquino ang mga paratang ng mga netizens na magnanakaw ang kanyang pamilya sa Instagram post nito

- Pabiro rin niyang sinabi sa isang netizen na huwag buburahin ang kanyang pang Miss Universe na sagot

- Pinangaralan din ni Kris ang nasabing netizen na dahil sa sipag niya magtrabaho at sa pagiging mapagbigay niya sa kapwa kaya siya mas biniyayaan.

- Sabi pa nito, inipon niya pa ang kanyang mga resibo sa BIR na ebidensya niya sa pagbayad ng tamang buwis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang Instagram post ay umalma na naman ang Queen of all Media na si Kris Aquino sa mga paratang ng mga netizens sa kanyang pamilya. Ipinost ni Kris ang sagot nito sa isang netizen na sinabing ginagamit daw ang pera ng bansa upang umunlad ang buhay nila.

“I cannot argue with your logic- pera ng Pinoy na bumili ng inendorse ko at nanuod ng mga pelikulang na priodcue at pinagbidahan ko ang nagpaunlad sa buhay namin”, sagot ni Kris.

Dagdag pa niya, “See how hard work pays off and God rewards those in His flock.”

Sinabi nito na kung masaya kang nagbibigay at kung marunong kang magpasalamat ay siguradong makakatanggap ka ng biyaya.

Pabiro pa nitong sinabi na huwag buburahin ang pang Miss Universe niyang sagot. Kilala ring palaban si Kris pagdating sa mga comments ng mga netizens sa kanyang Instagram posts.

Sa post na ito may caption pa ang primyadong aktres at talk show host na: “Obvious naman hindi kami pamilya ng mga magnanakaw (generally pag galing sa nakaw, hindi pino-post sa IG especially an account with more than 4.5 million followers.”

Diretsahan din na sinabi ni Kris na totoong ginagamit niya ang pera ng Pilipino, dahil sa pagtangkilik ng kanyang mga produktong kanyang inendorse at iba pang ginawa niya noong aktibo pa ito sa showbiz.

“I do have years and years of BIR receipts to back me up,” prankang sagot ni Kris.

Sa naunang ulat ng KAMI, pinagkaguluhan pa ng mga netizens ang Instagram post habang naka-swimwear na naliligo sa pool kasama si Bimby .

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilalang talk show host, aktres, at number one endorser si Kris ng ilang produkto. Ngunit ito’y nagdesisyong mag-hiatus sa showbiz dahil sa health problems niya. May dalawang anak si Kris na sina Josh at Bimby.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Savour the chocolate cakes of Maricar Reyes and know more about how she came upon this kind of business endeavor. Watch our YouTube channel for more exciting videos. — HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel