Kuya Wil, may payo sa dalagang nanlamig ang BF matapos ang Valentine's Day

Kuya Wil, may payo sa dalagang nanlamig ang BF matapos ang Valentine's Day

- Naluha na lamang ang dalagang Wowowin contestant nang maalala ang kanyang dating nobyo na nanlamig daw sa kanya, isang araw matapos ang Valentine's Day

- Samantala, hindi naman naiwasan ni Willie Revillame ang magbigay ng payo para rito tungkol sa pag-ibig

- Naibahagi nito ang kwento nang interview-hin ito ni kuya Wil sa isa sa mga segment ng Kapuso game show

- Pero ayon sa dalaga, hindi naman daw ito galit sa ex-BF at nagpapasalamat pa rin na dumating ang lalaki sa buhay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naluha ang isang dalagang contestant sa Kapuso game show na Wowowin nang maalala ang dati nitong nobyo na nanlamig daw sa kanya, isang araw matapos ang Valentine's Day.

Samantala, hindi naman naiwasan ni Willie Revillame ang magbigay ng payo para rito tungkol sa pag-ibig.

Naibahagi nito ang kwento nang interview-hin ito ni kuya Wil sa isa sa mga segment ng naturang show.

Kwento ng dalagang si Vei, maayos naman daw sila noong February 14, ngayong taon, ngunit kinabukasan ay bigla na lamang daw nanlamig ang lalaki sa kanya.

Nito lamang nakaraang linggo ay nagkaroon daw sila ng pagkakataong makapag-usap ng ex.

Dito, nilinaw ng lalaki ang kanilang status at sinabing nais lamang daw muna nitong "mag-chill".

Muling naiyak ang dalaga nang alalahanin ang naging sagot sa kanya ng ex-BF nang tanungin niya kung mahal pa ba siya nito.

Pero ayon sa dalaga, hindi naman daw ito galit sa ex-BF at nagpapasalamat pa rin na dumating ang lalaki sa buhay nito.

Ayon pa kay Vei, galing lamang daw ito sa isang break-up nang makilala ang lalaki at naging sila.

Payo ni kuya Wil, dapat na huwag magmadali ang isang babae 'pag dating sa pakikipag-relasyon lalo pa at mayroon pang sugat mula sa dating relasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, isa si Willie Revillame sa dapat daw hingan ng pahayag kaugnay sa isyu ng renewal ng franchise ng ABS-CBN ayon kay Jay Sonza. Isa si kuya Wil sa mga nagkaroon ng isyu sa network.

Matatandaang dating Kapamilya si kuya Wil bago lumipat sa TV5 at napunta na nga sa GMA.

Si Willie Revillame ay isang sikat na game show host, komedyante, singer, songwriter at businessman sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel