Tatlong taong gulang na batang marunong mag-rosaryo, hinangaan ng netizens

Tatlong taong gulang na batang marunong mag-rosaryo, hinangaan ng netizens

- Viral ang video ng batang lalaking mahusay nang mamuno ng santo rosaryo

- Tatlong taong gulang lamang daw ang bata ngunit memorya na nito ang bahagi ng pagdarasal ng rosaryo

- Namangha ang netizens dahil sa dami ng pinagkakaabalahan ng mga kabataan ngayon, bibihira na raw ang nagdarasal ng santo rosaryo

- Hinangaan din nila ang mga magulang ng bata at sa murang edad nito ay nagagabayan siya ng maayos ng kanilang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena ngayon sa social media ang video ng isang batang lalaki na mahusay mamuno ng Santo rosaryo.

Nakilala ang bata na si Airek Marquez na tubong barangay Esperanza sa San Francisco, Cebu.

Tiya ng bata ang nagbahagi ng video ni Airek na namumuno sa pagdarasal ng santo rosaryo.

Ayon kay Mary Joyce Montalban, tiyahin ng bata, madalas daw kasi itong sumama sa block prayer sa kalye.

Umani rin ng papuri ang mga magulang ni Airek dahil sa maayos na pagpapalaki rito at naipa-memorya ang mga dasal sa kabila ng napakaraming maaring pagkaabalahan ngayon ng kabataaan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Dapat tularan,bihira nlng kc mga bata ngaun na gnyang sa murang edad marunong n mg rosary,almost this time gadgets n hawak,slamat kc meron png ganyang naituro,way back nong buhay pa lola ko araw2 syang ng rorosary,kya thankfull din ako khit ppno natuto din ako..,godbless sa batang yan"
"Ang galing, ganyan dapat ibalik ang ganyang turo at practice sa mga bata, the value of prayer..."
"Sana ibalik yung pagdarasal ng rosaryo tuwing alas sais ng gabi sa mga simbahan"
"Sa mundong marami nang alam ang mga kabataan, mahalagang marunong pa rin silang magdasal."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang video na ibinahagi rin ng GMA News:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel