Son Ye Jin ng sikat na "Crash Landing On You" nag-donate ng P4.1M sa kanyang hometown

Son Ye Jin ng sikat na "Crash Landing On You" nag-donate ng P4.1M sa kanyang hometown

- Mahigit $82,000 ang halaga ng kanyang donasyon at nagkakahalagang katumbas ng P4.1M

- Ang donasyon ay ibinigay nito sa Community Chest of Korea para matulungan umano ang mga mga low-income Koreans at matulungan masugpo ang COVID-19 sa Daegu

- Ang Daegu, South Korea pala ang hometown ni Son Ye Jin na bida sa kinagigiliwang Korean drama ngayon

- Sa Daegu unang kumalat ang COVID-19 sa South Korea at may mahigit 1,500 na ang apektado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Son Ye Jin ng kinababaliwang Korean drama na “Crash Landing On You” ay nag-donate ng 100M Korean won o $82,570.30 (P4.1M) sa kanyang hometown na Daegu, South Korea.

Napabalitang ang sikat na Koreanang aktres ay tiga-Daegu at doon pa rin ngayon nakatira ang kanyang mga magulang

Ayon sa Soompi, isang English-language na pop culture website, ang donasyon ni Son Ye Jin ay bingay niya sa Community Chest of Korea para makatulong sa pagsugpo ng nakakamatay na COVID-19 virus.

“Daegu is my hometown, where I was born and raised, as well as the place where my parents live now. So it is particularly specialplace for me and the news of (the COVID-19 outbreak) in Daegu was especially heartbreaking for me,” sabi ng aktres sa report ng nasabing pop culture website.

“I hope that (my donation) can provide some sort of practical help to lower-income residents who desperately need help now more than ever, as well as an aid in the treatment and prevention of COVID-19,” dagdag pa na aktres.

Ang Daegu ngayon ay napabalitang epicenter kung saan nagsimulang kumalat sa South Korea ang kinatatakutang COVID-19.

Ang kapares naman ni Son Ye Jin sa nasabing Korean drama na si Hyun Bin ay nagpaalala sa huling ulat ng KAMI, sa pag-iwas sa COVID-19 at hiniling sa mga fans na panatilihin ang ibayong pag-iingat sa kanilang kalusugan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa balita ang South Korea ay may 1,500 kaso na ng naapektuhan ng coronavirus o mas kilala na ngayong COVID-19 at karamihan nito ay nasa Daegu City. Sinasabing may mga sundalong Amerikano na rin ang nahahawa sa sakit na ito.

Binigyan ng mas maiksing pangalan ang Novel Coronavirus ng World Health Organization na COVID-19, na ang ibig sabihin ay Corona Virus Disease at ang 19 ay kinuha sa taong 2019 kung kelan ito napabalitang lumaganap.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

How did Maricar Reyes compete with other Chocolate cake businesses and what does she have in store aside from her re-known chocolate flavored cakes? Watch and check it out on our YouTube channel — HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel