"Angry face" ng bagong silang na sanggol, kinagiliwan online

"Angry face" ng bagong silang na sanggol, kinagiliwan online

- Viral ang larawan ng isang bagong silang na sanggol na tila galit ang itsura sa paglabas niya sa mundo

- Bibihira raw kasi na ganito ang makunang eksena sa mga sanggol na karaniwan ay umiiyak pagkalabas mula sa sinapupunan ng ina

- Ang ilan tuloy ay mabilis na nabigyan ng "caption" ang itsura ng bata at sinabing marahil daw ay ayaw pa nitong lumabas sa mundo

- Aliw na aliw ang mga netizens sa kakatwang larawan na ito ng sanggol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena online ang kakatwang reaksyon ng bagong silang na sanggol na nakunan ng larawan sa operating room pa lamang.

Binahagi ng Rodrigo Kunstmann Fotógrafo Profissional ang viral na ngayong larawan ng baby na kakaiba ang reaksyon nang inilabas mula sa sinapupunan ng ina.

Kadalasan kasing umiiyak ang sanggol na kapapanganak lamang ngunit taliwas ito sa baby sa viral na larawan.

Nalaman ng KAMI na Pebrero 13 nang ipinanganak ito sa Rio de Janeiro, Brazil at naatasan si Kuntsmann na kuhanan ng larawan ang espesyal na sandali na ito.

Kaya naman laking gulat nila nang makitang tila "angry face" agad ang itsura ng sanggol. Imbis na magpalanggahaw sa pag-iyak, wala itong reaksyon.

Umiyak lamang ito nang putulin na ang kanyang umbilical cord.

Naaliw maging ang mga doktor at nurses na nasa operating sa kakatwang reaksyon na ito ng sanggol.

Samantala, mabilis namang nabigyan ng "caption" ng mga netizens ang larawan na ito ng sanggol.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilang sa mga nakakatuwang naisip na caption ng mga netizens:

"Put me back there!"
"How dare you take me out of a nice warm safe place!!!”
"Huwag kang paloko-loko sakin at sa nanay ko!"
"Nasan ang gatas ko?"
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo? baka di mo ako kilala?"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel