No cellphone, no problem para sa bagets na "Tiktok is life" sa 1 viral video

No cellphone, no problem para sa bagets na "Tiktok is life" sa 1 viral video

- Ibang klaseng diskarte ang ipinakita ng isang batang lalaki na kinaaliwan ng mga netizens

- Tulad ng marami, mukhang isa rin ito sa nahuhumaling sa app na "Tiktok"

- Ngunit sa halip na cellphone ay sa isang CCTV ito umeksena

- Patok naman ito sa netizens na talagang aliw na aliw sa gimik ng batang lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa ka rin ba sa nahuhumaling sa app na "Tiktok"? Ang app na 'in na in' sa mga millenials at kahit pa nga sa mga "young at heart"!

Sa isang viral video, isang batang lalaki ang dinala ang trend na ito sa ibang level.

Sa halip kasi na cellphone ang ginamit nito para i-record ang kanyang Tiktok video ay sa isang CCTV ito umeksena!

Sa video na ibinahagi ng Facebook page na Sawadee Random Memes, makikita ang bagets na effort kung effort sa kanyang Tiktok video kahit pa nga kinailangan pa nitong umakyat para maabot ang camera.

"Hindi sa kin 'yong original video guys. Nilapatan ko lang ng music natuwa kc aq sa kakulitan nung bata," ayon sa uploader.

Patok naman ito sa netizens na talagang aliw na aliw sa gimik ng batang lalaki.
"Haha... Ang taba ng utak ng batang yan.. talented."
"Wag lang malaglag mukhang umakyat ka pa ata."
"Buset na to! dami kung tawa."
"Tiktok low budget hahahaha."
"May part 2 sana siguro to kung hindi tinawag ng nanay nya."
"This kid is living in 2030s."
"Gagawin ko to pag nakainum ako."

Ang nakakatuwang video nito, umabot na sa halos 250,000 views sa social media.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel