Lalaki, patay matapos ikulong ng GF sa 1 maleta hanggang mamatay ayon sa pulisya

Lalaki, patay matapos ikulong ng GF sa 1 maleta hanggang mamatay ayon sa pulisya

- Arestado ang isang 42-anyos na babae sa US matapos nitong ikulong sa loob ng maleta ang kanyang nobyo hanggang sa mamatay ang biktima

- Ayon sa report ng mga pulis, nakatanggap sila ng report mula sa babae na sinabing namatay ang kanyang nobyo

- Sabi ng suspek, pareho nilang kagustuhan ang nangyari matapos umanong magkasundo ito at ang biktima na maglaro ng tagu-taguan habang lasing na lasing

- Ngunit nadiskubre ng mga pulis ang dalawang video na nasa cellphone ng bababe kung saan makikitang humihingi ng tulong ang biktima habang nasa loob ng maleta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado ang isang 42-anyos na babae sa US matapos nitong ikulong sa loob ng maleta ang kanyang nobyo hanggang sa mamatay ang biktima.

Kinilala ang suspek na si Sarah Boone.

Sa mga report ng South China Morning Post at Spectrum News, sinabing nakatanggap ng tawag ang mga pulis mula kay Boone at sinabing namatay ang nobyo nitong si Jorge Torres Jr., 42.

Batay sa imbestigayon, inamin ng suspek na ikinulong niya ang nobyo sa maleta at tsaka natulog. 'Pag gising umano nito ay nadiskubre nitong wala nang buhay ang nobyo.

Sinabi din umano ni Boone na pareho nilang kagustuhan na makulong ang lalaki sa loob ng maleta.

Lasing na lasing umano silang dalawa at nagdesisyong maglaro ng tagu-taguan.

Ngunit taliwas ito sa nadiskubre ng mga pulis na dalawang video na nasa cellphone ng babae kung saan makikitang humihingi ng tulong ang biktima habang nasa loob ng maleta.

Sa isang affidavit na inilabas ng mga imbestigador, sa video ay maririnig pa ang lalaki na tinatawag ang pangalan ng suspek at humihingi ng tulong.

Makailang beses din diumanong sinabi ng biktima na hindi na ito makahinga.

“That’s what I feel like when you cheat on me,” sabi pa diumano ng suspek.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel