Pres. Duterte, malungkot sa pagpanaw ng nanay ni VP Robredo

Pres. Duterte, malungkot sa pagpanaw ng nanay ni VP Robredo

- Noong nakaraang linggo ay naibalita ang pagpanaw ng nanay ni Bise Presidente Leni Robredo

- Naiulat na si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi nakapunta sa burol at nagpadala na lamang ng bulaklak sa burol

- Samantala, malungkot naman ang Pangulo at sinabing nakikiramay siya kay Robredo

- Nakita namang pumunta si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa burol ng nanay ni Robredo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan ay pumanaw ang nanay ni Bise Presidente Leni Robredo na si Salvacion Gerona.

Nalaman ng KAMI na pinaabot naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pakikiramay kay Robredo.

Ayon sa ulat ng GMA News, nagpadala si Pangulong Duterte ng mga bulaklak para sa bise presidente makaraang hindi siya nakapunta sa burol dahil kagagaling niya lang sa Davao.

“I just came in from Davao. But I conveyed my condolences. And well the flowers. Kasali man sa kultura natin 'yan. We do it with flowers,” sabi ni Duterte.

Dagdag niya pa, siya rin ay malungkot dahil alam niya ang hirap nang mawala ang tatay niya.

“I’d like to say now that I am sad and I share her grief. I also lost a father once upon a time,” paliwanag ng Pangulo.

Samantala, sa ulat naman ng Manila Bulletin, dumalaw si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa burol sa Naga City at nakiramay kay Robredo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang naibalita ng KAMI na pumanaw ang nanay ni Bise Presidente Robredo na si “Sally” sa edad na 83 nitong ika-22 ng Pebrero.

Si Leni Robredo ay isang lawyer at nakilala bilang asawa ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Maricar Reyes talked to KAMI about her personal life and her recent viral post on social media! Check out all of the epic and exciting videos on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel