Pope Francis sa mga Katoliko: Itigil ang tsismisan at pag-bash sa social media

Pope Francis sa mga Katoliko: Itigil ang tsismisan at pag-bash sa social media

- Makahulugan sa panahon ngayon ang mensahe ni Pope Francis sa mga makabagong Katoliko

- Itigil na ang tsismisan at pangba-bash sa social media ayon sa mensahe ni Santo Papa noong Ash Wednesday sa Vatican

- Makabago rin ang mga paalala ni Pope Francis at naaayon din ito sa panahon ng pag-usbong teknolohiya

- Ang pangba-bash at tsismisan sa social media raw ay nakasanayan na ng nakakarami ngayon kaya kailangan nang itigil

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ngayong nagsisimula na ang panahon ng kwaresma, hiling ni Santo Papa sa mga Katoliko na ihinto na ang pakikipagtsismisan, pakikipag-away at paninira gamit ang social media.

Ang panahon ng kwaresma ay ang pagninilay, pagbalik-loob sa Diyos, pagbabago at pagdarasal. Maliban dito may panibagong panawagan ang Santo Papa.

Sa kanyang lingguhang pakikipagkita sa mga bumibisita saVatican noong Ash Wednesday, sinabi nitong sa panahon ngayon ang pakikipag-away at paninira sa kapwa gamit ang social media sa araw-araw ay para na ring pagsabi ng “Good day!”

“We live in an atmosphere polluted by too much verbal violence, too many offensive and harmful words, which are amplified by the internet,” sabi ni Pope Francis.

Noong unang panahon, iniiwasan ng mga tao ang pagkain ng masasarap na pagkain, pag-iwas sa bisyo at ano mang makamundong hilig. Ngunit ang panawagan ng Santo Papa ay makabuluhan sa panahon ngayon.

Sumusuporta naman sa makabagong teknolohiya ang Santo Papa, naiulat ng KAMI ang paglunsad ng “eRosary” na kung saan sa app na ito matuturuan ang nakakarami sa pagdasal ng rosary.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi rin naman nakakaiwas si Pope Francis sa mga batikos sa social media, kaya hindi rin kaila sa kanya ang pagba-bash ng mga tao gamit ito. May iba’t-ibang social media account din ang Santo Papa kung saan makikita dito ang kanyang mga mensahe para sa mga Katoliko sa buong sanlibutan.

Si Pope Francis ay ipinanganak bilang Jorge Mario Bergoglio at siya ang ika-266th Santo Papa ng Roman Catholic. Siya rin ang pinaka-unang Heswita na naging Santo Papa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Love chocolates? Check out Maricar Reyes in our newest interview with her. Watch how she manages and makes her business more enticing! — HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel