Angel Locsin, palaban na sinagot ang mga netizens na bumabatikos sa ABS-CBN

Angel Locsin, palaban na sinagot ang mga netizens na bumabatikos sa ABS-CBN

- Binatikos ng mga netizens ang ipinakitang suporta ni Angel Locsin sa Kapamilya network

- Di naman pinalampas ni Angel ang mga comments ng netizens at palaban nitong sinagot

- Kilalang palaban si Angel pagdating sa kanyang mga opinyon at di ito nag-aatubiling sumagot sa mga komentaryo ng mga netizens

- Ang sikat na teleseryeng “The General’s daughter” ang huling teleseryeng pinagbidahan ni Angel sa Kapamilya network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Di nagpatinag si Angel Locsin sa mga netizens na nanatiling bumabatikos sa ABS-CBN. Sa post na ito ni Angel sa Instagram na umani ng 126, 933 likes na kung saan sinaluduhan niya ang mga boss habang nakasalang sa Senate hearing, may mga netizens ang nag-comment laban sa network.

May nagsabing matapos ang apat na taon, bakit ngayon lang daw humingi ng paumanhin ang ABS-CBN sa Pangulo sa pag ere ng black propaganda imbes na ang kanyang campaign ads.

Hindi ito pinalampas ni Angel at sinagot ng: “Yan po yung rason kaya gusto mong mawalan ng hanapbuhay ang libo-libong tao? Dahil po diyan? Parang ang sama po.”

Kilalang palaban si Angel pagdating sa kanyang mga opinyon na ipinopost sa social media at hindi ito nag-aatubiling sumagot sa mga comments ng netizens.

Isang comment ang di rin pinalampas ni Angel na nagsasabing, hindi raw ito mangyayari sa ABS-CBN kung nagbabayad lang umano ito ng karampatang buwis. Sinabi pa ng netizen na dapat raw maging "fair" si Angel dahil alam naman daw nito ang nangyayari sa loob ng network.

Palaban at diretsong sinagot ni Angel ito ng: “Same goes to you, ma’am. May statement po ng BIR na wala pong utang ang ABS. Bakit ginigiit niyo pa rin po na meron? Kayo po sana ang maging fair. Hindi magandang nangigipit ng tao."

Mainit ang usapin ngayon laban sa renewal ng prankisa ng ABS-CBN na sinasabing may mga alegasyong violation sa BIR, DOLE at iba pang ahensya ng gobyerno. Ito naman ay isa-isang sinagot ng mga executives ng ABS-CBN sa senado noong February 24, 2020.

Sa naturang Instagram post din ibininahagi ni Angel ang post ni dating Comelec Commisioner Atty. Gregorio Larazabal, nakasaad dito na walang pagkakautang ang ABS-CBN sa BIR, naka-comply ito ng mga requirements ng SEC, nagbayad ang network ng billion sa BIR, walang violations sa DOLE, at sumusunod sa batas at regulasyon ng NTC. Ito raw ang katotohanan.

Sa huling balita ng KAMI, umani ng suporta ang mga ABS-CBN executives sa mga Kapamilya artists nito habang nasa imbestigasyon ng Senado.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angel ay primyadong aktres at philanthropist. Binansagan ang aktres na Amabassador of Peace and Humanitarian Advocate ng Gawad Filipino Awards noong isang taon. Lumipat siya sa ABS-CBN noong 2007 sa kabila ng kasikatan niya sa kalabang network.

Ang sikat na teleseryeng “The General’s daughter” ang huling teleseryeng pinagbidahan ni Angel sa Kapamilya network.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Maricar Reyes talks about how she built her chocolate business and what she did to compete with other businesses. Check it out on our YouTube channel - HumanMeter.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel