Dating kasambahay na nagsumikap na makapasok sa PMA, sundalo na ngayon

Dating kasambahay na nagsumikap na makapasok sa PMA, sundalo na ngayon

- Marami ang bumilib sa kwento ng tagumpay ng produkto ng Philippine Military Academy na si Meriam Libongcogon

- Dumaan sa matitinding pagsubok ng buhay si Meriam lalo na nang tinatahak na niya ang daan patungo sa pag-abot niya ng kanyang mga pangarap

- Aminadong laki sa hirap kaya naman nasabi niyang naging handa na siya sa pagpasok niya sa PMA

- Dala ng pagsisikap at determinasyon, isa na ngayong ganap na sundalo na nagsisilbi sa bayan si Meriam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang kwento ng buhay ni Ensign Meriam Libongcogon dahil sa hindi biro ang mga pinagdaanan niya sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.

Nalaman ng KAMI na 'kahirapan' ang siyang naging dahilan upang magsumikap at magpursige si Meriam na ma-iahon di lamang ang sarili pati na rin ang kanyang pamilya sa kahirapan.

Binahagi niya sa programang Pareng Partners kung paano niya hinarap ang mga pagsubok sa kanya mula nang siya ay mamasukan bilang kasambahay pagka-graduate ng high school.

Sinabayan pa niya ng pag-aaral sa kolehiyo ang pagtatrabaho kaya naman doble ang sipag na kanyang ginagawa.

Ngunit sa hirap ng ginagawa sa araw-araw, natigil sa pag-aaral si Meriam at nagdesisyong magpahinga.

Nang umuwi sa Cebu, naghihintay na pala ang magandang oportunidad sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa kanyang ina, may naghahanap ng kasambahay na dadalhin sa Baguio. At dahil naroon ang Philippine Military Academy, pinahintulutan din siya na mag-entrance exam doon kung saan siya ay nakapasa.

Doon nagbago ang kanyang kapalaran. Subalit sadyang mas mahihirap ang pagsubok na kanyang hinarap ngunit di na niya ito ininda.

Pahayag nga ni Meriam, tila inihanda na siya ng tadhana sa mga hamong ito sa PMA kaya naman tila balewala ang mga ito sa kanya.

Aminado siyang hindi niya inaasahan ang kapalarang ito dahil una niyang pinangarap ang pagiging guro.

Ngayong isa na siyang ganap na sundalo, nagsisilbing inspirasyon din siya sa mga kasamahan niya at isa ring magandang ehemplo sa atin na kanyang mga kababayan.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Ensign Meriam Libongcogon

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica