Cebu's "Bibingka Girl", nakatanggap na ng mga offer matapos mag-viral

Cebu's "Bibingka Girl", nakatanggap na ng mga offer matapos mag-viral

- Tila nagbukas ang magagandang opurtunidad para sa Cebuana beauty na si Cristy Cuizon nang siya ay mag-viral sa social media

- Matatandaang marami ang nabighani sa kanyang angking ganda matapos siyang maispatan habang nagtitinda ng bibingka

- Sa social media, dagsa ang paghanga para rito at may ilan pa nga na nagsabing kamukha nito si Marian Rivera

- Dahil din dito, may ilang offer na para sa kanya tulad na lang ng free services mula sa isang sikat na beauty clinic sa Cebu at free culinary scholarship

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang opurtunidad ang nagbukas para sa dalagang si Cristy Cuizon, ang tinaguriang "Bibingka Girl" mula sa Cebu.

Si Cuizon, ang 18-anyos na dalaga mula sa Danao City, ay humakot ng mga tagahanga sa social media matapos itong mag-viral sa social media.

Isang grupo ang nakapansin sa kanya habang nagtitinda ng bibingka at hindi naiwasang magandahan sa dalaga.

"She had a rare beauty and she was a very accommodating vendor," ayon sa nag-upload ng larawan ni Cuizon na si Clark Laurent Dumon sa isang panayam sa Cebu Daily News.

May ilang netizens pa nga ang nagsabi na kamukha ito ng Kapuso actress na si Marian Rivera- Dantes.

Ayon sa isang report ng KAMI, isang sikat na beauty clinic sa Cebu ang nag-alok na rito ng free services. Ngunit dahil walang nakuhang contact number ng dalaga ay ipinost na lamang nila ito sa kanilang Facebook page.

Ayon pa rin sa latest update ng CDN, isa namang culinary institute ang nag-alok naman ng free culinary scholarship para kay Cuizon.

Ayon sa dalaga, nagpapasamalamat siya sa mga biyayang inaalok sa kanya. Hindi rin daw ito makapaniwala sa scholarship na inoffer sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel