Pangulong Duterte, tinanggap ang 'sorry' ng ABS-CBN; pinabibigay sa charity ang refund

Pangulong Duterte, tinanggap ang 'sorry' ng ABS-CBN; pinabibigay sa charity ang refund

- Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 'apology' ng ABS-CBN dahil sa 'di pag-ere ng kanyang mga political ads noong 2016 elections

- Pinabibigay na lamang ng pangulo ang kanya sanang 2.6 million na refund sa saan mang charitable institution upang makatulong

- Nilinaw niyang nasa kongreso pa rin ang desisyon kung papayagan pang i-renew ang prangkisa ng kapamilya network

- Sinabi rin niya hindi siya mangingialam o hahadlang sa anumang magiging desisyon ukol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hayagan nang sumagot si Pangulong Rodrigo Duterte sa paghingi ng patawad ng ABS-CBN sa di nito pagsasa-ere ng kanyang political advestisement noong 2016 elections.

Ayon sa ulat ni Arianne Merez ng ABS-CBN News, inamin na ng Kapamilya network President and CEO na si Carlo L. Katigbak na hindi nila naisa-ere ang campaign ads na nagkakahalagang pitong milyong piso ng presidential candidate pa lamang noon na si Duterte.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, mayroong 2.6 million pesos na refund ang pangulo ngunit di na niya ito tatanggapin at pinabibigay na lamang niya sa saan mang charitable institution.

Huwag na. Ibigay na lang nila sa any charitable institution of their choice,” pahayag ng pangulo.

Nauna nang maisauli ng ABS-CBN ang halagang 4 milyong pesos sa kampo ni Duterte. Ngunit, nahuli ang pagbabalik ng 2.6 million pesos na di na nga tinanggap ng pangulo.

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, nilinaw ng pangulo na desisyon pa rin ng kongreso kung papayagan nilang mag-renew ng prangkisa ang Kapamilya network.

“The critical move is in the House and I tell you, I am not going to interfere. Wala talaga ako,” paglilinaw ng pangulo.

Sinabi niyang nasa lower house ang desisyon at hindi sa senado at ito rin ay nababatay sa ating konstitusyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel