Mag-amang pulubi na nagtitinda noon ng ballpen sa lansangan, may restaurant na ngayon

Mag-amang pulubi na nagtitinda noon ng ballpen sa lansangan, may restaurant na ngayon

- Laking pasalamat ng mag-amang pulubi na ito dahil nag-viral ang kanilang mga larawan at video sa internet

- Dinagsa kasi sila ng tulong at marami ang naantig sa kanilang kalagayan

- Isa na rito ang IndieGoGo na nagbigay sa kanila ng manumbas 10 milyong piso

- Ito ang ginamit ng mag-ama upang sila ay makapagbagong buhay at talagang pinagyabong nila ito upang di na muling maranasan ang matinding hirap na minsan nang dumaan sa kanilang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan nang nag-viral ang larawan ng amang si Abdul Halim al-Attar na bitbit ang anak habang naglalako ng ballpen sa lansangan.

Nalaman ng KAMI na maraming puso ang naantig sa larawan na ito ni Abdul Halim na isa pa lang refugee mula Syria na napadpad sa Lebanon.

Maluha-luha siyang nag-aalok ng ballpen na siya nilang pinagkakakitaan. Sadyang di niya mapigil ang kanyang emosyon nang mga panahong iyon dahil iniisip din niya ang kalagayan ng anak.

Dahil sa eksenang ito, maraming netizens sa iba't ibang panig ng mundo ang nagpaabot ng tulong sa mag-ama.

Isa na rito ang IndieGoGo na taos-pusong nagbigay ng $191,000 o tinatayang nasa 10 milyong piso.

Tinanggap ito ni Abdul Halim at ito ang naging daan upang mabago ang buhay nilang mag-ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wala siyang nilustay na salapi. Pinalago niya ito sa pamamagitan ng pagpapatayo ng isang restaurant na siyang pinagkakakitaan nilang mag-ama ngayon.

Hindi lamang siya sinarili ang pagbabagong buhay. Nagmalasakit siyang ipasok ng trabaho sa kanyang restaurant ang nasa 16 na kataong refugee rin tulad niya upang sila ay mapagkakitaan.

Maganda ang takbo ng kanyang restaurant na patok na patok sa kanilang lugar.

Nakabalik na rin ng paaralan na ang kanyang anak na ilang taon ding natigil sa pag-aaral.

Malaki ang pasasalamat ni Abdul Halim sa mga taong naging instrumento upang makaahon sila sa hirap.

At bilang ganti, hindi niya sinayang ang pagkakataong ipinagkaloob sa kanya at siniguro pa niyang nakakatulong din siya sa iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica