Deputy Health Minister ng Iran, tinamaan na rin ng COVID-19

Deputy Health Minister ng Iran, tinamaan na rin ng COVID-19

- Maging ang Deputy Health Minister ng Iran na si Iraj Harirchi ay nag-positibo na rin sa Coronavirus Disease 2019

- Sa video ng kanyang news conference patungkol pa naman sa nakamamatay na sakit, mapapansing inuubo na siya at labis na rin siyang nagpapawis na ilan sa mga sintomas ng virus

- Kasalukuyan na itong naggagamot at naka-isolate na siya mula nang malaman ang kanyang karamdaman

- Nagbahagi pa ito ng isang video na nagsasabi ng kanyang kalagayan at sinabing kakayanin ng kanilang bansa na labanan ang COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinamaan din ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang Deputy health minister ng Iran na si Iraj Harirchi.

Ayon sa abc.net, kapansin-pansin na ang video ng health minister sa isinagawang news conference patungkol pa naman sa nakamamatay na virus.

Habang nagsasalita, panay na ang ubo nito at sobra-sobra na rin itong magpawis na ilan sa mga sintomas ng karamdaman.

Nalaman ng KAMI na mismong si Harirchi ang nag-post ng video ng kanyang kalagayan matapos na malaman na nagpositibo siya sa COVID-19.

Makikitang tila malakas naman ito kumpara sa ibang pasyenteng mayroong parehong kalagayan.

Naka-isolate na rin siya nang malamang mayroon siyang COVID-19 at patuloy ang kanyang gamutan.

Nakararamdam lamang daw siya ng pananakit ng katawan dala ng lagnat ngunit kinakaya naman daw niya ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinabi rin niyang kakayanin ng kanilang bansa na labanan ang karamdaman. Nagpaalala na rin ito ng ibayong pag-iingat sa kanyang mga kababayan.

Maging si Tehran MP Mahmoud Sadeghi ay nagpositibo rin sa virus ngunit taliwas kay Harirchi, tila nawawalan naman ito ng pag-asa patungkol sa kanyang kalagayan.

Tinatayang nasa 16 na ang pumanaw sa Iran dala ng virus na ito.

Samantala, ban na ang flights papunta at palabas ng Iran bilang hakbang upang makaiwas sa paglaganap ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Kasalukuyang may 94 na kumpirmadong kaso ng virus sa kanilang bansa kasama na ang dalawang health officials.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel