Netizens, nadurog ang puso sa pagpanaw ng pares vendor na naholdap at nabaril sa Tondo

Netizens, nadurog ang puso sa pagpanaw ng pares vendor na naholdap at nabaril sa Tondo

- Sumakabilang buhay na ang pares/mami vendor na walang awang binaril ng kanyang holdaper sa Tondo

- Matapos ang isang linggong pagkakaratay sa ospital, binawian na rin ito ng buhay

- Matatandaang, nasisi pa umano ang vendor na ito ng kanyang holdaper na kung ibinigay lang daw nito ang perang naglalaman ng kanyang kita, hindi na raw siya mababaril pa ng suspek

- Naging stable pa umano ang lagay ng tindero ngunit sa kasamaang palad, di na rin nito nakayanan

- Labis na naghihinagpis din maging ng mga netizens sa sinapit ng kaawa-awang pares vendor na maayos at marangal na nagtatrabaho para sa mga anak na ngayo'y mga ulila na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binawian na ng buhay ang kaawa-awang pares/mami vendor na naholdap at binaril nitong nakaraang linggo sa Tondo, Manila.

Base sa panulat ni Isa Avendaño-Umali ng Super Radyo dzBB, kinumpirma ng kapatid ng vendor na si Sydney Bautista ngayong Miyerkules, Pebrero 26 ang pagpanaw ng tindero.

Isang linggo ding nakipaglaban para sa kanyang buhay si Samson Bautista na nalagak sa Philippine General Hospital ngunit di rin nito kinaya sa huli.

Matatandaang nasisi pa si Samson ng holdaper na nakilalang si Alexander Ogdamina na kung ibinigay laang daw nito sa kanya ang bag na naglalaman ng kinita nito, di na raw niya ito nabaril pa.

Naulila ni Samson ang tatlo niyang supling at pati na rin ang kanyang misis. Nadala na ang kanyang labi sa kanilang probinsya sa Tiaong, Quezon.

Samantala, maraming netizens ang lalong nagngitngit sa galit sa suspek dahil sa pagpanaw ni bautista.

Anila, nagtatrabaho ng maayos at marangal ang pares/mami vendor na walang kahabag-habag na ninakawan at inagrabyado pa ni Ogdamina.

Netizens, nadurog ang puso sa pagpanaw ng pares vendor na naholdap at nabaril sa Tondo

source: GMA news
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga saloobin ng netizens:

"Pinuntahan pa nman ni mayor isko yan hala kakalungkot ito grabe"
"Rest In Peace po. Naghahanapbuhay ka ng maayos pero napahamak ka pa ng walang kwentang tao hays"
"Condolence po sa family. Sana tuloy parin ni mayor Isko bigyan ng pwesto ang kapatid o asawa ng biktima para ituloy yun hanap buhay ng biktima para sa pamilya niya."
"Nagtatrabaho ng marangal tapos ganyan lng kahahatungan samantalang yung pumatay ayun buhay na buhay lakas pa ng loob mangaral na dapat ibigay nalang daw kasi hindi sila nagbibiro. Mahirap tlga bitawan yung isang bagay lalo pat pinaghirapan mo d nya maintndhan un kasi hindi naman sya nagttrabaho ng marangal."
"Kawawa naman grabe nagtitinda lang para may maipadalang konti sa pamilya sa probinsya tapos tatapusin lang ang buhay ng walamg kakwenta kwentang nilalang"
"Maangas pa yang suspek na yan. Kala daw nya nagbibiro sila pag sinabe nila holdap. Tas sabi kahit daw silipin pa sa cctv d daw kasi binigay agad. Iba talaga pag nadaloy na droga sa utak. Patapon na buhay neto baka naman."
"Pinuntahan pa nman ni mayor isko yan hala kakalungkot ito grabe"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel