Pinoy celebs, ibinahagi ang mga di malilimutang larawan kasama ang iniidolong si Kobe Bryant

Pinoy celebs, ibinahagi ang mga di malilimutang larawan kasama ang iniidolong si Kobe Bryant

- Mahal ng Pinoy si Kobe Bryant hindi lamang sa magaling ito sa basketball, ngunit dahil sa ipinakitang malasakit at pagmamahal nito sa bansa

- Ginunita rin ng mga Pinoy celebs ang masasayang alaala nila kasama si Kobe sa pagbahagi ng mga larawan kasama ang idolo

- Pininturahan ang Pagulayan Tenement Court ng mukha ng mag-amang Kobe at Gianna Bryant bilang pag-alala at pakikisimpatya ng mga PIlipino sa kanilang pagkasawi

- Makikitang nasaktan ang karamihan ng Pinoy celebrity fans ni Kobe sa pagpanaw nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Ginunita noong lunes ang buhay ng NBA Legend na si Kobe Bryant ng mga nagmamahal sa kanya sa Staples Center, Los Angeles California.

Hindi rin nagpahuli ang mga Pinoy celebrities sa paggunita nila sa iniidolong si “Black Mamba”.

Ibinahagi nila sa kani-kanilang mga social media accounts ang kanilang larawan kasama ang NBA star noong nabubuhay pa.

Si Kieffer Ravena ay nagbahagi rin sa kanyang post ng kalungkutan sa pagpanaw ng idolo at ipinakita ang larawan noong bata pa ito kasama si Kobe.

Sabi naman ni Senator Manny Pacquiao sa kanyang post sa Instagram na kahit wala na si Kobe na isang legend, ang kanyang mga iniwang aral ay di malilimutan.

Ibinahagi naman ni Chris Tiu ang emosyon habang nanonood siya ng tribute ni Kobe at hanggang sa ngayong hindi pa rin daw siya makapaniwalang wala na ang idolo.

Ang larawan naman na ipinost ni Bianca Gonzales ay kuha pa noong 2017.

"We are so fortunate to have met you in this lifetime.", sabi ni Bianca.

Wala namang ibang masabi ang basketbolistang si Marc Pingris kundi: "Grabe ang sakit lang" sa kanyang IG post. Habang si James Yap ay nagpasalamat sa kanyang idolo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naiulat din ng KAMI ang pag viral ng huling mensahe ni Kobe sa kanyang mga Filipino fans.

Kaya naman noong nabalitaan ang pagpanaw nito ay pininturahan ang Pagulayan Tenement Court ng magkayakap na mag-amang Kobe at Gianna Bryant bilang tribute sa NBA Hall of Famer.

Si Kobe ay nagsimula sa pagiging NBA player sa murang edad at nagretiro ito matapos ang 20 seasons niya sa NBA, siya ay nagfocus na lang sa pamilya at negosyo.

Naiwan ni Kobe ang asawang si Vanessa, ang panganay na anak na si Natalia at ang bunsong si Bianka. Kasama ni Kobe ang anak na si Gianna sa helicopter crash nito lamang January 26.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Do you have a sweet tooth? Maricar's chocolate business is making a buzz in town. Let's watch and see how she did it! See it first on KAMI YouTube channel.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel