Ex-Kapamilya, tinawag si ABS-CBN CEO Carlo Katigbak na sinungaling

Ex-Kapamilya, tinawag si ABS-CBN CEO Carlo Katigbak na sinungaling

- Matapang na naglabas ng pahayag ang dating Kapamilya at beteranong journalist na si Jay Sonza laban sa ABS-CBN CEO na si Carlo Katigbak

- Ayon kay Sonza, hindi sincere ang apology ng Kapamilya boss para kay Pangulong Duterte

- Nais lamang daw nito na kumuha ng simpatya sa taong-bayan

- Sabi pa nito, sinadya umano ng ABS-CBN na i-ere ang political ad laban kay PRRD

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi kumbinsido ang dating ABS-CBN news director at beteranong journalist na si Jay Sonza sa apology ng CEO ng Dos na si Carlo Katigbak.

Sa kanyang mga Facebook post, naging matapang at deretso ang akusasyon ni Sonza laban sa boss ng Kapamilya.

“Carlo LOPEZ Katigbak played his role very well. Larawan siya ng nagbabalatkayong angel. di mo pag-iisipang may sa demonyo rin,” ayon kay Sonza.

Banat pa nito, kumukuha lamang ng simpatya mula sa taong-bayan si Katigbak.

“Carlo Lopez Katigbak kasasabi mo lang walang mali sa ginagawa nyo sa abs-cbn, Bakit ka nagsosori kay Duterte? why are you saying sorry when you just said there is nothing irregular in your conduct of business. Ano? nakikipaglokohan lang. for public consumption para sabihin nagsori na kami pero matigas si presidente at galit siya sa amin,” anito.

Kinondena rin nito ang pag-ere ng "Pamana ad" na ayon kay Senator Bong Go ay isang "black propaganda" laban kay Pangulong Duterte na pinondohan diumano ng dating senador at kilalang kritiko ng administrasyon na si Antonio Trillanes.

“Pogi, bata, Carlo, lahat ng network tinanggihan iyong nega-child anti Du30 campaign ads placed by trillanes. bukod tanging abs-cbn lang ang umere ng material. sinungaling ka sinadya ninyo iyon. tapos kunwari magsosori kang hayop ka. akala mo maloloko mo kami,” sabi pa nito.

“Lahat ng placement noon ay payment before broadcast in cold cash. walang tseke-tseke. kung totoong responsible kayo sa abs-cbn. isang tingin pa lang hindi papasa iyong material for airing. the minors and their faces were not solarized which is required by KBP standards authority, MTRCB and other circulars, including your very own abs-cbn ethical standards,” dagdag nito.

Sa isa pang balita ng KAMI, nilinaw ng GMA network na hindi nila inere ang naturang political ad laban kay Pangulong Duterte.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel