Bahay ni James Reid na tinitirhan din ni Nadine Lustre, ibinibenta na

Bahay ni James Reid na tinitirhan din ni Nadine Lustre, ibinibenta na

- Pagkatapos ng hiwalayan nila Nadine Lustre ay ibinibenta na ni James Reid ang bahay na dati nilang tinutuluyan

- Ipinost ni James ang real estate listing ng bahay sa kanyang Instagram na nagkakahalagang P82M hanggang P85M

- Magara at malawak ang loob ng bahay na may pitong kwarto, soundproofed recording studio at 6-car garage

- Kapansin-pansin din ang staircase at chandelier na bida sa ibang photos na binabahagi ni Nadine noon sa kanyang Instagram posts.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang buwan matapos na umaming hiwalay na nga sila ni Nadine Lustre, ibinibenta na ni James Reid ang bahay nito na dating tinitirhan din di umano ni Nadine Lustre.

Mismong si James Reid ang nagshare ng real-estate listing na ito sa kanyang Instagram post na may caption pang, “My House is for sale!”

Makikita sa post ang labas at loob ng bahay na may iba't ibang detalye patungkol dito. Ito ay nasa Loyola Grand Villas sa Quezon City. May appraisal value itong P82M hanggang sa P85M.

Ang tatlong palapag na bahay ay nakatayo sa 1000 square meter na lote. May malalaking living space areas ito sa loob na makikita rin sa litrato.

Meron din itong pitong kwarto na may sari-sariling restroom facility o tintatawag na en suite, dalawang malaking kusina at fully equipped gym. Meron din itong soundproofed recording studio. Sa labas naman nito ay may 25 meter lap-pool at may 6-car garage.

Napansin din ng mga netizen na ito nga ang bahay kung saan ang dating magkasintahan ay tumutuloy noon dahil sa isang staircase at chandelier na madalas makita sa mga litrato ni Nadine sa kanyang mga post sa IG.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging usap-usapan noon na nagsasama na ang dating magkasintahan sa iisang bubong na hindi naman dineny o inamin ng dalawa.

Sa isang interview nito sa ABS-CBN, maalalang itinanong ito sa kanya at ang prankang sagot ni Nadine ay “I mean, if that was true, so what? Hindi ba? It’s not new anymore. There are younger couples…mas young pa sa akin (who are living together).”

“It’s normal na eh. Come on, guys it’s 2017!” dagdag pa nito.

Sa huling ulat ng KAMI, nakitang magkasama ang dalawa pati mga malapit na kaibigan nila at mukhang pareho namang nagsasaya sa isang party.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Maricar Reyes shares how she came up with her delectable chocolate cake business. She also faced struggles just like other business owners. Let us watch and learn how she did it on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel