Video ng batang lalaking mahusay sa biritan, pumalo na sa mahigit 8 million views

Video ng batang lalaking mahusay sa biritan, pumalo na sa mahigit 8 million views

- Marami ang naaliw sa isang batang lalaki na nagpakitang gilas sa pagkanta niya sa palengke

- Tuwang-tuwa ang mga nakapanood sa kanya ng live sa palengke at karamihan ay nag-abot pa ng pera sa bata sa sobrang katuwaan

- Sana raw ay mabigyan ang batang ito ng pagkakataong magtanghal sa malaking entablado upang maipakita pa niya sa mas maraming tao ang husay niya sa pag-awit

- Umabot na sa mahigit 8 million ang views ng video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang nakakamanghang video ng isang batang lalaki na napakahusay umawit.

Binahagi ito ng Facebook page na Fumiya and YamYam kung saan pumalo na sa mahigit 7 million ang views ng naturang video.

Makikitang uminom muna ng tubig ang bata na aakalaing kabado bago kumanta.

Ngunit nang binitawan pa lamang niya ang unang linya, nagmangha na agad ang mga nanonood sa kanya.

Walang humpay ang hiyawan ng mga manonood niya sa palengke kung saan siya nagpakitang gilas.

Sa tuwa, ang ilan ay nagbibigay pa sa kanya ng pera na inilalagay sa malaking batya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang iba, diretsong inilalagay sa kanyang palad ang pera.

Mapapansin ding umiinom ang batang lalaki sa bawat pahinga ng kanta dahil sa taas ng napiling awitin.

Ngunit sadyang nakamamangha ito at tila di gaanong nahihirapan sa awitin.

Maging ang mga netizens ay napa-wow sa husay ng batang ito. Makapigil-hininga raw talaga ang performance ng batang ito at kitang-kita ang potensyal pagdating sa kantahan.

Sana lamang daw ay mabigyan ito ng pagkakataong makapagtanghal sa malaking entablado.

Doon, maibabahagi niya sa mas maraming tao ang kanyang kakaibang talento sa pag-awit.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel