Kapamilya Stars, nag-react sa pagsalang ng ABS-CBN execs sa Senate hearing

Kapamilya Stars, nag-react sa pagsalang ng ABS-CBN execs sa Senate hearing

- Todo ang suporta ng mga bigatin kapamilya stars sa mga big boss ng ABS-CBN habang nakasalang ito sa Senado

- Sinaluduhan nila ang mapagkumbabang statements ni CEO Carlo Katigbak habang ito’y nagbibigay ng kanyang unang pahayag

- Pinasalamatan din ng Kapamilya stars ang mga bosses nito sa patuloy na pakikipaglaban para kapakanan ng kanilang mga empleyado

- Hindi lamang mga boss ang tingin ni Angel sa mga execs ng ABS-CBN, kundi pamilya na rin daw.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang mga bigating Kapamilya stars na sina Bea Alonzo, Angel Locsin, at Dimples Romana ay nagpakita ng kanilang suporta sa mg ABS-CBN executives habang sila’y nakasalang sa imbestigasyon ng Senado para sa renewal ng prankisa ng network.

Ang mga ABS-CBN executives na sina President and CEO Carlo Katigbak, Chairman Mark Lopez and Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes ay humarap sa Senado noong February 24, 2020.

Pinamunuan ni Senator Grace Poe ng Senate Committee on Public Service ang naturang hearing para mabigyang linaw ang mga alegasyon na violations.

Ang lahat ng violations ay nakasaad sa quo warranto petition na pinasa ni Solicitor General Jose Calida sa High Court para umano hindi marenew ang prankisa ng higanteng TV Network.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angel na bida sa mga sikat na teleserye ng nasabing network station at Kapamilya star simula noong 2017 ay nag-post sa kanyang IG account ng litrato nila ni CEO Carlo Katigbak na may mensaheng:

“Appreciation post for ABS-CBN bosses! Happy that Filipinos see how humble our ABS-CBN bosses are. Ganyan po talaga sila lahat.”

Ipinahayag naman ni Bea na homegrown talent ng ABS-CBN ang pagsaludo sa mga executives. Pinasalamatan din niya ang mga ito.

“They are not just our bosses. They are FAMILY. You made us proud today being a Kapamilya. Thank you.”

Habang si Dimples na sumikat sa kanyang kontrabida role as “Daniela” sa katatapos lamang na teleseryeng “Kadenang Ginto” ay saludo rin sa mapagkumbabang network executives ng ABS-CBN.

Aniya, “Salamat po for giving more reasons to be proud as a Kapamilya today. We pray with you.”

Sa naunang ulat ng KAMI, nanindigan ang ABS-CBN na wala silang nilabag na batas at sinabing ang iba't ibang services ng nasabing network ay may karampatang government and regulatory approvals na hindi dapat makaapekto sa pagka-renew ng kanilang prankisa.

Simula pa lang ng kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte, inilalahad na nito ang galit at binantaang babarahin ang prankisa ng higanteng network.

Di umano'y galit ang pangulo sa hindi pag-ere ng bayad na niyang campaign ads at mas inere pa ang sinasabing "black propaganda" ads ng ibang kandidato laban sa kanya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Maricar Reyes shares about their vlog "RelationshipPH" and what they think are the topics that matter most. Watch the full interview on our YouTube channel.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel