GMA Network, nilinaw na hindi nila inere ang "Pamana ad"

GMA Network, nilinaw na hindi nila inere ang "Pamana ad"

- Nilinaw ng First VP for Legal Affairs ng GMA na hindi nila inere ang "Pamana ad" na sinasabing "black propaganda" laban kay Pangulong Duterte noong 2016 elections

- Ito ay matapos itong humarap sa Senado kaugnay ng pagdinig sa franchise renewal ng ABS-CBN

- Dito tinanong ni Senator Grace Poe si Atty. Ma. Luz Delfin kung inere rin ng Kapuso station ang ad na "paninira" umano sa pangulo

- Ngunit ayon kay Delfin, hindi ang naturang ad ang kanyang tinutukoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ng First VP for Legal Affairs ng GMA na si Atty. Ma. Luz Delfin na hindi nila inere ang "Pamana ad" na sinasabing "black propaganda" laban kay Pangulong Duterte noong 2016 elections.

Ito ay matapos itong humarap sa Senado kaugnay ng pagdinig sa franchise renewal ng ABS-CBN noong Pebrero 24, 2020.

Dito tinanong ni Senator Grace Poe si Atty. Delfin kung inere rin ng Kapuso station ang ad na paninira umano sa pangulo.

Sa isang statement, sinabi nito na hindi na-aprubahan ng Network Internal Election Committee ang naturang ad.

“Hindi lang isang network ang nag-air nito. Ang kaibahan lang, mas mabilis na nag-pull out iyong isa sa airing,” ayon naman kay Senator Poe na siyang nanguna sa pagdinig sa Senado.

Pero sabi ni Delfin, iba ang tinutukoy nitong ad at hindi ang "Pamana ad" na dati nang tinukoy ni Senator Bong Go bilang "black propaganda" laban kay Pangulong Duterte.

Narito ang kabuuan ng statement ni Atty. Delfin mula sa GMA News:

"Statement of GMA First VP for Legal Affairs Atty. Ma. Luz Delfin

"I wish to clarify my statement during the Senate Hearing on the ABS-CBN Franchise Renewal held earlier today, February 24, 2020.

"The political advertisement against then presidential candidate Rodrigo Duterte featuring minors, which was discussed during the Senate Hearing, was not aired on GMA after it was disapproved by the Network’s internal election committee.

"I was instead referring to another political advertisement, which was aired on GMA."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel