Nasaktan talaga! Michael Jordan, humagulgol sa speech niya para kay Kobe at Gianna Bryant

Nasaktan talaga! Michael Jordan, humagulgol sa speech niya para kay Kobe at Gianna Bryant

- Tinawag ni Michael Jordan na “little brother” si Kobe Bryant habang nagbibigay ng mensahe sa Staples Center

- Tumutulong si Michael ngayon sa pamilyang naiwan ni Kobe at Gianna

- Ang 2/24 ay makahulugang petsa dahil ito and jersey number nina Gianna at Kobe, kaya tinaon din ang memorial sa araw na iyon

- Inalala ni Michael at iba pang nagbigay ng mensahe ang pagmamahal nila sa kay Kobe at sa anak na si Gianna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Di nakayanan ni Michael Jordan ang sakit na naramdaman nung siya na ang nagbigay ng mensahe sa ginawang memorial para sa dating kasamahang NBA player na si Kobe Bryant at sa anak nitong si Gianna Bryant.

Ginanap ang memorial sa Staples Center sa Los Angeles, California kung saan iniukol ni Kobe ang buhay niya sa paglalaro ng basketball.

Tinawag na “The Celebration of Life for Kobe and Gianna Bryant” ang tribute na ito na dinaluhan din ng naiwang may-bahay ni Kobe na si Vanessa Bryant.

“When Kobe died, a piece of me died, and as I look in this arena, across the globe, a piece of you died. I promise you, from this day forward, I will live with the memories and knowing that I had a little brother,” hagulgol ni Michael.

Si Shaquille O’Neal na isa ring basketball legend ay nagbigay rin ng kanyang mensahe at inalala din nito ang tatlong NBA titles na napanalunan nilang dalawa ni Kobe na magkasama.

“Kobe and I have pushed one another to play some of the greatest basketball of all time and I am proud that no other team has accomplished the three-peat the Lakers have done since Shaq-and-the Kobe Lakers did it,” pahayag ni Shaq.

Sinabi rin nito na akala ng nakararami na sila ni Kobe ay magka-away, ngunit pag wala na ang mga camera, silang dalawa ay nagkikindatan.

Si Beyonce na may kasamang choir ang kumanta sa opening ceremony ng nasabing tribute. Kinanta niya ang paboritong kanta ni Kobe na “XO” na sinundan ng “Halo” na galing sa album niya na inilabas noong 2013.

Sa isa pang ulat ng KAMI nag-viral ang huling video ni Kobe para sa kanyang mga Pilipinong fans. Nalungkot ang lahat pati na ang mga Pinoy na magiliw na manonood ng NBA at iniidolo ang mga basketbolistang foreigner na mga "Hall of Famers" na sina Michael, Kobe at Shaq.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Michael ay tinaguriang greatest player in history, habang si Kobe ay tinawag na “Black Mamba” ngunit parehong “NBA Basketball Legends” ang dalawa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Watch this video and interact with us by sending your own advice to this poor guy's problem. His co-worker who is married is flirting with him, even if the girl knows he already has a girlfriend. Check it out and tell us a piece of your mind on our YouTube channel.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel