Babaeng residente at MTPB, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa kalye

Babaeng residente at MTPB, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa kalye

- Naging mainit ang pagtatalo ng ilang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at ng isang babaeng residente ng lungsod ng Maynila

- Nag-ugat ang komosyon nang hulihin ng mga MTPB officers ang babae dahil sa illegal parking

- Ayon sa MTPB, kinakailangan nilang kumpiskahin ang lisensiya ng babae ngunit tumanggi ito at nakipagtalo

- Hati naman ang naging opinyon ng mga netizens sa insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging mainit ang pagtatalo ng ilang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at ng isang babaeng residente ng lungsod ng Maynila.

Nag-ugat ang komosyon nang hulihin ng mga MTPB officers ang babae dahil sa illegal parking.

Ayon sa MTPB, kinakailangan nilang kumpiskahin ang lisensiya ng babae ngunit tumanggi ito at nakipagtalo

Depensa ng babae, dati na umano siyang nahuli ngunit hindi naman kinumpiska ang kanyang lisensya. Iginiit nito na MTPB din ang humuli sa kanya noon.

Pero ayon sa mga ito, posibleng MMDA ang humuli sa babae at hindi isang miyembro ng MTPB.

Nilinaw din nila na ito ay ayon sa ordinansa ng lungsod ng Maynila at ng gobyerno.

Hindi naman nagpatalo ang babae at sinabi pa na dapat daw ay magkaroon ng public parking para sa mga katulad nila. Makailang beses din nitong sinigawan ang mga miyembro ng MTPB.

Hanggang sa matapos ang video na in-upload ng Facebook page na Kapuso TV ay hindi pa rin ibinigay ng babae ang kanyang lisensiya.

Huli rin nang sipain ng babae ang wheel clamp nang subukang i-clamp ng mga MTPB ang kanyang sasakyan.

Pero ang netizens, hati naman ang opinyon sa insidente. Ang ilan pa nga ay sinabing sana raw ay magkaroon din ng seminars para sa mga miyembro ng MTPB upang mas maayos na magampanan ng mga ito ang tungkulin.

Ngunit mayroon namang hindi rin nagustuhan ang inasal ng babae.

"Talaga naman.. ou mali ung babae tikitan i clamp pero dapat me mga seminar itong mga ito about GMRC.. Yorme pabor po ako sa patakaran ninyo.. sa ikaaayus at ika gaganda ng maynila.. pero ung mga naatasan nio po ay sana naman di maging bastos yorme."
"The woman is obviously a lawbreaker. Give her the ticket and make her go to court to negotiate with the judge at court. She wants to negotiate with the enforcers for her own advantage, thus evading the law!"
"Sa sobrang talino ng babae na to.. nagiging bobo na..Wala pla kaung parkingan..Bibili bili kayo ng maraming sasakyan."
"Maraming hndi alam si yorme sa ginagawa nyo kc bumabase lng cya sa napapanood nya,ang hndi nya alam eh hndi pinapakita ng mga blogger na yan ang mga mali ng mga mtpb."
"Maganda ang mga pinatutupad na batas,pero tong mga naaatasan sa mga bastos makipagusap,walang maximum tolerance."
"Alam u ate sumunod k n lng kc mga yan alagad ng batas ikaw p matapang akala if cno k porket mapera k kya u cla,bkit kya u kalabanin ang sampung tao?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel