COVID-19, maari raw makaapekto sa 70% ng populasyon ayon sa Harvard Scientist

COVID-19, maari raw makaapekto sa 70% ng populasyon ayon sa Harvard Scientist

- Maari raw makaapekto ang Coronavirus disease sa tinatayang 70% ng populasyon ayon sa isang Harvard Scientist

- Dahil sa ito raw ay asymptomatic o may mga kaso na di kinakikitaan ng anumang sintomas kahit pa ito'y positibo sa virus, tila magiging para na lamang itong 'flu' na kayang malunasan

- Ngunit, di nangangahulugang mapakampante na ang lahat dahil 'deadly' disease pa rin ito depende sa tatamaan

- Malaki rin ang posibilidad na magiging seasonal disease na maaring tawaging "cold and flu and COVID-19 season."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilarawan ng Harvard University epidemiologist na si Marc Lipsitch ang coronavirus disease 2019 o COVID-19 bilang "ultimately not containable" at maaring makaapekto sa 40-70% ng populasyon ng daigdig.

Ayon sa panayam sa kanya ng The Atlantic Reports, wala naman daw dapat na ikapangamba ang ilan lalo pa at nakikinita rin niyang magiging tila isang flu na lamang ito na maaaring malunasan.

Dahil sa maaring maging asymptomatic ang isang pasyenteng may COVID-19, hindi na niya ito iindahin at maari na niyang ipagpatuloy ang araw-araw niyang gawain.

Ngunit hindi raw nangangahulugang maging kampante na sa sakit na ito. Kung ganoon ang mangyayari, mas mahihirapang malaman kung COVID-19 na nga ba ang iniinda ng isang pasyente na maari pa rin nitong ikamatay.

COVID-19, maari raw makaapekto sa 70% ng populasyon ayon sa Harvard Scientist

source: Yahoo news
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod pa rito nakikita rin ni Lipsitch na tila magiging seasonal disease ito sa mga susunod na panahon na maaring tawaging "cold and flu and COVID-19 season."

Nilinaw din ng Harvard na di lamang si Lipsitch ang nakakita ng ganitong posibilidad. Maraming nasa medical field ang nagsiyasat at nagkaroon ng parehong resulta tulad sa nakikinita ni Lipsitch patungkol sa di parin humuhupang kaso ng COVID-19.

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel