Noynoy at Kris Aquino, nagkabati na pagkatapos ng mahigit isang taong tampuhan

Noynoy at Kris Aquino, nagkabati na pagkatapos ng mahigit isang taong tampuhan

- Matagal na palang may tampuhan ang magkapatid na Noynoy at Kris Aquino

- Masaya naman si Manay Lolit Solis at nagkasundo na ang magkapatid at malamang ito rin ang gusto ng inang si Cory Aquino

- Dahil sa mga payo nina Manay Lolit at Boy Abunda, naisip ni Kris na mas mainam ang di na magsalita tungkol sa tampuhan nilang magkapatid

- Masaya rin si Manay Lolit at nakikita nitong mas healthy na ang itsura ni Kris ngayon at hindi na mukhang sakitin.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Matapos ang matagal na panahong tampuhan ng magkapatid na Noynoy at Kris Aquino, nagkabati na rin ang dalawa ayon kay Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram post.

Masayang ibinalita ni Manay Lolit sa kanyang mahabang IG post ang pagbabati ng magkapatid na Aquino.

“Ang ganda naming balita ang pagbabati nila PNoy at Kris Aquino.”

Sinabi pa nito na malapit ang mga magkakapatid at marami raw ang nagtaka na may tampuhan pala sina Noy at Kris.

“Dahil siguro si Kris anf bunsosa kanilang magkakapatid kaya medyo spoiled brat ang dating,” puna ni Lolit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit dahil rin daw sa nag-iisang lalaki si Noynoy sa magkakapatid at alam naman ng lahat na malapit ito sa pamangkin na si Josh Aquino Salavador, kaya imposible rin na magtagal ang gap ng kuya at ng bunsong si Kris.

Napansin din ni Manay Lolit na malaki ang pagbabago sa itsura ni Kris ngayon at mukhang bumubuti na ang kalusugan nito. Hindi na rin mapigilan ni Manay ang excitement na sana makabalik na sa showbiz si Kris.

"Pag very healthy na siya magkaroon na ng trabaho sa TV. Sure ako, she will give her all sa mga projects na iaalok sa kanya. Bet ko iyan", dagdag ni Lolit.

Sumagot naman si Kris sa post ni Manay Lolit at sinabi nitong:

“Thanks nay…It was a very long 1 year and 10 months…but I believe what helped us most was that nobody ever discussed in public kung ano ang mga hinanakit ng isa’t-isa…and kahit may gap kami- never nadamay si kuya Josh na very close talaga sa tito Noy niya.”

Ayon din kay Kris na sa tulong din ni Boy Abunda at Manay Lolit na ang nagturo kay Kris na kung wala kang gaanong sasabihin, konti rin ang lilinisin kapag naayos na ang lahat.

Sa ulat ng KAMI kamakailan lang ay nagpahiwatig si Kris ng pag-alala sa kanyang karamdaman. Noong nakaraang taon lang ay namaga ang kanyang kanang kamay, inubo at nagkaroon siya ng thyroid problems. Mahina ang immune system ni Kris dahil din kanyang karamdaman na "Chonic Spontaneous Urticaria".

Si Kris ay kilalang sikat na endorser, actress at binansagan siyang Queen of all Media bago siya nagdesisyong magpahinga muna sa showbiz noong March 2016 dahil na rin sa kanyang kalusugan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Watch how Maricar Reyes reacts to the comment from one netizen over her video. See it first on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel