Vanessa Bryant, emosyonal sa kanyang speech para sa memorial nina Gianna at Kobe Bryant

Vanessa Bryant, emosyonal sa kanyang speech para sa memorial nina Gianna at Kobe Bryant

- Inalala ng mga kaibigan at pamilya ang yumaong mag-ama na sina Gianna at Kobe Bryant

- Mas lalong naging emosyonal ang lahat nang magsalita na ang misis ni Kobe na si Vanessa Bryant

- Inalala nito ang masasayang sandali na kasama pa nila sina Gianna at Kobe

- Di niya maiwasang maiyak nang sabihing tila alam ng Diyos na di mahiwalay si Gianna sa kanyang ama kaya naman isinama na rin niya ito

- Inihabilin niya si Gianna kay Kobe at sinabing siya naman ang bahala sa mga anak nilang sina Natalia, Bianka at Capri

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umapaw ang luha at emosyon sa isinagawang memorial para kina Gianna at Kobe Bryant na ginanap sa Staples center sa Los Angeles, California nitong Lunes, Pebrero 24.

Maalalang sina Gianna at Kobe Bryant ay magkasamang nasawi sa helicopter crash noong Enero 26.

Nalaman ng KAMI na libo-libong mga tagahanga, kasama na rin ang kanyang mga kaibigan at kapamilya ang nagtipon-tipon upang gunitain ang masasayang alaala nila sa mag-ama.

Ngunit mas lalo nilang nadama ang pagkawala ng kanilang idolo at kaibigan na NBA star nang magsalita na ang misis nitong si Vanessa Bryant.

Kalmadong sinimulan ni Venessa ang kanyang speech at inuna niyang ipahayag ang mga alaala niya sa anak na si Gianna.

Tulad ng mga nauna na niyang nai-post sa social media, nilarawan pa rin niya si Gianna bilang isang 'sweet' na anak.

Ayon pa nga raw sa kanyang mister, parehong-pareho sina Vanessa at 'Gigi' sa maraming bagay.

Bagaman at aminado si Vanessa na mas malapit si Gigi sa kanyang ama, may mga 'bonding moments' din naman silang dalawa ng yumaong anak tulad ng baking at panonood ng kanilang paboritong TV shows.

Inalala rin ni Vanessa kung gaano sila kasaya sa mga achievements ni Gianna sa mura pa lamang niyang edad.

Nanghihinayang lamang si Vanessa at hindi na mangyayari ang pinapangarap ng anak na mapasok sa Women's National Basketball Association o WNBA.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, inumpisahan naman ni Vanessa ang kanyang speech tungkol sa asawa sa pagsasabi na ito ay kanyang "soulmate"

"I couldn't see him as a celebrity nor just an incredible basketball player. He was my sweet husband and the beautiful father of my children. He was mine. He was my everything," panimula ni Vanessa sa kanyang emosyonal na pahayag.

Binahagi niya ang napakagandang love story nila ni Kobe. Siya raw ang unang girlfriend nito at 'first love' love at nauwi na nga sa kasalan at pagkakaroon ng apat na magagandang mga supling.

Ikinuwento pa ni Vanessa ang pagiging 'romantic' ni Kobe kung saan nagawa nitong i-regalo sa kanya ang damit ni Rachel McAdams sa pelikulang "the Notebook."

"He just thought outside the box and was so thoughtful even while working hard to be the best athlete. He gave to me the actual notebook and the blue dress Rachel McAdams wore in "The Notebook" movie. When I asked him why he chose the blue dress, he said because it was the scene when Allie comes back to Noah," pahayag ni Vanessa.

Binahagi rin niya kung paano maging napakabuting ama ni Kobe sa kanilang mga anak.

Bukod sa pagiging MVP sa basketball, MVD o most valuable dad nga raw niyang maituturing ang kanyang mister.

Di na napigilang maluha ni Vanessa nang banggitin niyang tila alam nang Diyos na di kaya ng mag-ama na namumuhay sa mundo nang wala ang isa't isa kaya hanggang sa kabilang buhay ay magkasama pa rin sila.

"We love and miss you, Boo-Boo and Gigi. May you both rest in peace and have fun in heaven until we meet again one day. We love you both and miss you forever and always, Mommy," pagtatapos ni Vanessa.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Facebook page ng Lebron James 23:

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel