Dinagsa ng tulong: Batang nagbigay ng saging sa guro, nabiyayaan ng bagong sapatos

Dinagsa ng tulong: Batang nagbigay ng saging sa guro, nabiyayaan ng bagong sapatos

- Matapos na mag-viral ang post tungkol sa pagbibigay ng saging sa guro, inulan ng tulong ang batang si "Manuel"

- Naisipang bilhan siya ng kanyang guro ng sapatos upang di na ito naka-paa kung pumasok

- Bukod dito may mga taong nagmalasakit ding magpadala sa kanya ng tulong lalo na para sa kanyang pag-aaral

- Hindi lamang si Manuel ang nabiyayaan kundi maging ang kanyang mga kaklase

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naatig ang puso sa viral post ng isang guro tungkol sa kanyang estudyanteng si Manuel Baton.

Matatandaang si Manuel ang estudyanteng nagbigay sa guro niyang si Ryan James Dueñas ng saging bilang pasasalamat sa kanya.

Natunaw ang puso ng guro sapagkat nakuha pang magbigay ni Manuel ng saging gayung wala na nga siyang sapin sa paa sa pagpasok sa paaralan.

Sa kabila ng kasalatan sa buhay ay nakuha pa rin nitong magbigay ng kung anuman ang mayroon sila.

Dahil dito, naisipan ng guro na bigyan ng sapatos si Manuel bilang pasasalamat din niya sa kabutihan ng estudyante.

Bukod sa surpresa ni Teacher Ryan, may mga nagpadala rin sa kanya ng mensahe na nagsasabing nais nilang tulungan si Manuel gayundin ang mga kaklase nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman bukod kay Manuel, maging ang kanyang mga kaklase ay makatatanggap ng biyaya mula sa taong nagmamalasakit sa kanila matapos makita ang viral post.

Narito ang kabuuan ng post:

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel