Sen. Grace Poe, binuweltahan si Speaker Alan Cayetano sa "sipsip" comment nito

Sen. Grace Poe, binuweltahan si Speaker Alan Cayetano sa "sipsip" comment nito

- Binuweltahan ni Senator Grace Poe si House Speaker Alan Peter Cayetano kaugnay sa naging komento nito sa Senate hearing ukol sa franchise renewal ng ABS-CBN

- Ayon kay Cayetano, tila may mga "OA" at "sipsip" sa network para sa kanilang pansariling pakinabang

- Pero sagot ni Poe, marami daw ang "naliwanagan" dahil sa isinagawang hearing ng Senado kaugnay ng isyu

- Iginiit ni Cayetano na dapat na ang lahat ng franchise-renewal-related bill ay magsimula sa Kongreso bago ito talakayin sa Senado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na binuweltahan ni Senator Grace Poe si House Speaker Alan Peter Cayetano kaugnay sa naging komento nito sa Senate hearing ukol sa franchise renewal ng ABS-CBN, batay sa ulat ng Inquirer.

Sa panayam ng media kay Cayetano, sinabi nito na tila may ilang "OA" at may mga "sipsip" sa giant network para sa kanilang pansariling pakinabang, na una nang naiulat ng KAMI.

"There's no question yung iba nagmamalasakit lang. There's no question there are solid supporters of ABS. But yung iba OA na e. Parang doomsday na ang ginagawa para lang makapagsipsip. Hindi yun ang proseso," ani Cayetano.

"Bakit nag-hearing ang Senate? Anong purpose? Parang nag-aattendance sa ABS-CBN. 'Hello, I'm here, I'm for you.' Kasi sabi nila it's not for the franchise kasi hindi pa sila pwedeng mag-hearing sa franchise, nandito pa [sa House]. So what's it for?" dagdag pa nito.

Pero sagot ni Poe marami daw ang "naliwanagan" dahil sa isinagawang hearing ng Senado kaugnay ng isyu.

“Well, opinyon niya yon. Pero sa tingin ko naman marami dito sa atin ang mas naliwanagan kung yun ang opinyon ng iba,” ani Poe. “Di naman lahat mapapaligaya sa mga ginagawa mo, you can’t please everyone.”

Dati nang sinabi ni Cayetano na bagamat importante ang franchise renewal ng ABS-CBN, hindi naman daw ito urgent.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel