Anak ng OFW, naging emosyonal nang makiusap sa tatay na nagtatrabaho sa Wuhan

Anak ng OFW, naging emosyonal nang makiusap sa tatay na nagtatrabaho sa Wuhan

- Hindi napigilan maging emosyonal ng isang bata nang muling makapiling ang kanyang ama

- Galing sa Wuhan ang ama at muli itong umuwi ng Pinas dahil sa banta ng Corona Virus Disease (COVID-19)

- Giit ng bata, huwag na sanang bumalik muli sa Wuhan ang ama niya para magtrabaho dahil mahal na mahal niya ito

- Samantala, nasa lagpas 400 naman ang mga Pinoy na nakatakdang umuwi muli ng Pinas mula Japan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang anak ng overseas Filipino worker (OFW) mula sa Wuhan, China, ang nakiusap sa kanyang ama.

Nalaman ng KAMI na muling nakapiling ng bata ang kanyang ama matapos nitong dumaan sa 14-day quarantine.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, isa ang ama ng bata sa mga 30 na Pilipinong kinuha sa China at muling iniuwi sa Pilipinas.

"Pa, sana huwag ka nang bumalik sa China kasi mahal na mahal ka po namin," sabi ng anak.

Sinalubong ng pamilya ang tatay na may kasama pang balloons at cake. Walang katumbas naman ang saya na muli silang mabuo na pamilya sa kalagitnaan ng banta sa Corona Virus Disease (COVID-19).

"Masaya po, as in, talagang sobrang saya. Parang maluwag na po 'yung pakiramdam namin," sabi ng partner ng OFW.

Nitong Sabado ay pinayagan nang umuwi sa kani-kanilang mga pamilya ang 30 Pinoy at 19 na miyembro ng repatriation team nang matapos nila ang 14-day quarantine sa New Clark City.

"We are glad that all our repatriates from China are well and did not exhibit any signs of the COVID-19. Through everyone’s cooperation, we have ZERO infections and ZERO mortalities," sabi ni Health Secretary Francisco Duque III.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nasa 400 naman na Pinoy ang nakatakdang muling umuwi ng Pinas mula sa Japan sa susunod na linggo.

Ang COVID-19 ay isang sakit na unang namataan sa Wuhan, China. Nasa lagpas 2,400 na ang naitalang namatay dahil sa sakit na ito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Carla Abellana talked exclusively to KAMI about her new projects and the challenges she faced while making them! Check out all of the epic and exciting videos on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel