Lalaking kumokopya ng 'notes' mula sa bintana ng paaralan, kumurot sa puso ng netizens

Lalaking kumokopya ng 'notes' mula sa bintana ng paaralan, kumurot sa puso ng netizens

- Marami ang naantig ang puso sa larawang ng lalaking kumukopya sa labas ng isang silid aralan

- Ayon sa guro, di ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng lalaki

- Hinahayaan na lang ng guro ang lalaki na gustong-gustong daw talagang matuto

- Magsilbing aral daw ito sa mga kabataan upang pagbutihin nila ang kanilang pag-aaral dahil hindi lahat ay nabigyan ng pagkakataon na makapagtapos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang larawang binahagi ng guro kung saan isang lalaki ang kumokopya ng "notes" mula sa bintana ng silid-aralan.

Ayon sa post ng guro na si Jun De Los Santos, napansin niyang tila may tao sa labas ng kanilang classroom.

Di nga siya nagkamali dahil isang lalaking may hawak na ballpen at notebook ang naroon.

Masigasig itong kumukopya sa kung anuman ang bagong kaalaman na makikita niya sa telebisyon ng silid-aralan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento pa ng guro, di raw ito ang unang pagkakataong ginawa ito ng lalaki. Madalas niya raw itong makita at hinahayaan na lamang niya ito dahil wala namang ginagawang di maganda.

Samantala, nadurog ang puso ng netizens sa larawan. Karamihan sa kanila'y nagsasabing sana ay makabalik pa ang lalaki sa paaralan lalo na at may mga programa ang DepEd na maari nitong pasukan.

Ang ilan naman ay nagsasabing tila isang taong grasa daw ito na wala sa katinuan. Gayunpaman, magsilbing aral ito sa mga kabataan dahil di lahat ay maswerteng nakakapag-aral sa magandang paaralan.

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel