GGV audience member, nangatog nang lambingin ni Ivana Alawi

GGV audience member, nangatog nang lambingin ni Ivana Alawi

- Grabe ang hiyawan ng mga GGV audience ng tinawag ang pangalan ni Ivana Alawi

- Sa panayam ni Vice sa sikat na vlogger, nabanggit niya na mahilig siya magregalo sa mga naging boyfriend niya noon

- Nangatog at pinagpawisan ang isang lalaking studio audience ng hinawakan ang kanyang dibdib ng sexy star

- Napag-alaman namang hindi pala mahilig si Ivana sa mga lalaking mabuhok ang dibdib

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Di magkamayaw ang studio audience ng tinawag na si Ivana Alawi, ng mag guest ito sa “Gandang Gabi Vice” ng ABS-CBN.

Ang 23-anyos na si Ivana ay game na game na sinagot ang mga tanong ni Vice sa show niya. Tinanong ni Vice si Ivana kung ano ang gusto niya sa lalaki.

“Gusto ko yung chest. Mahilig kasi akong ano humawak tapos humiga. Oh my God ang sarap,” sabi ni Ivana.

Tinawag ni Vice ang isang lalaking audience at ipinahawak kay Ivana ang dibdib ng nasabing audience. Ani Vice: “Tingnan nating kung ano ang reaksyon ng karaniwang lalaki pagnahawakan ni Ivana.”

Tinanong ni Vice ang lalaki kung ano ang naramdaman nito. “Pinagpapawisan po ako. Nakakangatog.”

“Ano ang gusto ng mga lalaki kay Ivana? I want to know?” Tanong ulit ni Vice.

“Simple at sexy,” sagot ng lucky audience.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sabi din ni Ivana na ayaw niyang mabuhok ang chest at ‘di rin siya mahilig sa sobrang matangkad na lalaki. Hindi pa raw siya nagkaroon ng boyfriend na basketball player.

“Marami ang nagugulat. Akala nila mahilig akong magparegalo sa mga lalaki. Pero ako ang mahilig magregalo.”

Nagbigay na din siya ng bag na may kasamang sapatos sa dating boyfriend.

At ang pinaka-wild na natanggap raw ni Ivana sa isang lalaki ay sexy underwear. “Sinuot ko naman,” sabi ni Ivana nung tinanong siya ni Vice kung na-weirdohan siya noon sa manliligaw na nagbigay.

Iniulat din ng KAMI ang mga bagay na hilig gawin ni Ivana maliban sa vlogging. Unang sumikat ang sexy symbol na si Ivana sa mga vlog nito sa YouTube at sa kasalukuyan siya ay isa na ring Kapamilya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Watch how Maricar Reyes reacted to a negative comment on her latest video. How does she react to such BV comments on her social media accounts? Check it out on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel