96-anyos na inang inireklamo ang anak, nadala sa clinic nang makaharap na ito

96-anyos na inang inireklamo ang anak, nadala sa clinic nang makaharap na ito

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo si Lola Fidela Dionisio na inirereklamo ang kanyang anak na si Ricardo Dionisio

- Pinababayaan di umano siya nito at hindi na raw nito iniintindi ang kanyang kalagayan kahit pa sila'y magkasama sa iisang bubong

- Nagagalit din daw di umano si Ricardo sa tuwing dadalaw ang mga apo ni lola Fidela sa kanya gayung ang mga ito na lang daw ang tumutulong sa matanda

- Nang makaharap muli ng lola ang inirereklamong anak, di nito napigilang sumama ang loob dahilan upang madala siya sa clinic

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang naging usapan ng mag-inang sina Fidela at Ricardo Dionisio nang magkaharap sila sa programa ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na inireklamo ni Lola Fidela ang sariling anak dahil sa kapabayaan daw nito sa kanya.

Ikinuwento ni Lola na noo'y sinamahan ng apo niyang si Joshua Vera, na di na raw siya iniintindi ng kanyang mamakaisang buhay na anak.

Nagkaroon daw sila ng salapi na inaasahan ng lola na magagamit sa pagpapaayos ng hagdan ng bahay nila.

Hirap na raw kasi siyang mag-akyat baba roon kaya naman hiling niya na maayos sana ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit di raw ito napagawa ng kanyang anak. Nabanggit din ng matanda na napaayos ng anak ang sarili nilang kwarto habang di naman daw pinaayos ang sa kanya.

Ito ang naging sanhi ng sama ng loob ng lola. Dagdag pa rito ang pangangalit di umano ni Ricardo sa mga apo ni Lola Fidela sa tuwing bibisitahin nila ito.

Naroong minumura pa raw ni Ricardo ang mga apo ni Lola Fidela kahit ang mga ito pa raw ang tumutulong sa kanya ayon sa lola.

Dahil sa paulit-ulit ang sinasabi ng lola at tila malinaw pa ang pag-iisip nito at di paiba-iba, naniniwala ang host na si Raffy Tulfo na nagsasabi ng totoo ang lola.

Ngunit bago pa man magkaalaman ng nais talagang mangyari ng matanda sa kanilang mag-ina, sumama na ang pakiramdam nito at minabuti na nilang dalhin ito sa clinic.

Narito ang kabuuan ng video:

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel