Speaker Cayetano sa Senate hearing ukol sa ABS-CBN renewal: "What's it for?"

Speaker Cayetano sa Senate hearing ukol sa ABS-CBN renewal: "What's it for?"

-Kinuwestyon ni Speaker Alan Peter Cayetano ang desisyon ng Senado na magsagawa ng hearing kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN

-Dati na kasi nitong sinabi na bagamat importante ito ngunit hindi naman urgent

-Iginiit din nito na ang lahat ng franchise-related bills ay dapat na magmula sa House of Representatives

-Nagpatutsada pa ito sa ilang tila "OA" at "sipsip" raw sa Kapamilya network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinuwestyon ni Speaker Alan Peter Cayetano ang desisyon ng Senado na magsagawa ng hearing kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Batay sa ulat ng GMA News, nagbigay ng pahayag si Cayetano sa media matapos ang relaunch ng Kobe Bryant exhibit sa House of Representatives.

"There's no question yung iba nagmamalasakit lang. There's no question there are solid supporters of ABS. But yung iba OA na e. Parang doomsday na ang ginagawa para lang makapagsipsip. Hindi yun ang proseso," anito.

Iginiit din ni Cayetano na ang lahat ng franchise-related bills ay dapat na magmula sa House of Representatives.

"Bakit nag-hearing ang Senate? Anong purpose? Parang nag-aattendance sa ABS-CBN. 'Hello, I'm here, I'm for you.' Kasi sabi nila it's not for the franchise kasi hindi pa sila pwedeng mag-hearing sa franchise, nandito pa [sa House]. So what's it for?" dagdag pa nito.

Dati na kasi nitong sinabi na bagamat importante ito ngunit hindi naman urgent.

"Having said that, mabuti na rin na nag-hearing, mabuti na rin na pinag-uusapan yung mga issues, but I can promise you, sa House, mas organized yung hearing.

"Mas malinaw yung issues bago pa mag-start yung hearing, at lahat yung pro and con, management, employees and viewers will be given an opportunity to be heard," sabi pa nito.

Sabi pa sa ulat, sinabi ni House Committee on Legislative Franchises chair Franz Alvarez na bukas na ang committee sa pagtanggap ng "position papers" para sa mga pabor at hindi pabor sa franchise renewal ng Dos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel