JC Devera, ibinahagi na ang bonggang pre-nup photos nila ng fiancé na si Rikkah Cruz

JC Devera, ibinahagi na ang bonggang pre-nup photos nila ng fiancé na si Rikkah Cruz

- Masayang ipinagmalaki ni JC Devera ang pre-nup photos sa kanyang social media accounts

- Sa intramuros, Maynila ang napiling lugar kung saan ginanap ang pre-nup photoshoot ng dalawa

- Lalong pinakinang ng magsing-irog ang gabi sa Jones Bridge sa BInondo

- “Little Bride” di-umano ang magiging partisipasyon ng anak nila na si Lana Athena

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Ibinahagi ni JC Devera ang pre-nup photos nila ng kanyang non-showbiz fiancé na si Rikkah Cruz.

Makikitang ang gwapo at matipunong si JC ay naka-vintage style na terno at napakaganda naman ng laced-gown ni Rikkah na gawa nina Francis Libiran at Edwin Tan. Sa Intramuros at Jones Bridge Maynila napiling ganapin ang photoshoot.

Sa isang larawan nila, makikitang nakahiga si JC sa kandungan ni Rikkah, at napapalibutan sila ng mga bulaklak. Vintage style ang concept ng kanilang pre-nup ayon sa mga ibinahaging larawan ni JC.

Nakakabighani din ang kuha ng dalawa Jones Bridge sa BInondo, Maynila. Mas pinakinang nila JC at Rikkah ang gabi sa ilalim ng makalumang tulay.

Naikwento ni JC noon ang ilang mga detalye ng kanilang up-coming wedding sa Talk Show na “Tonight with Boy Abunda”. Sinabi nitong ayaw niya maging flower girl ang anak nilang si Lana Athena.

Sabi ni JC, “Ayoko siyang maging flower girl, gusto ko siya yung little bride at ihahatid siya ng dalawa kong brother-in-law.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naiulat ng KAMI ang mga dahilan ni JC noon kung bakit niya tinatago ang relasyon niya sa non-showbiz girlfriend.

Ayon sa kanya “For the longest time, kini-keep ko yung mga relationship ko. Pero ngayonkasi confident talaga ako na pag-usapan ‘to ngayon. Alam ko kung saan kami papunta. Gusto ko talga siya ipagmalaki sa mundo.”

Si JC ay sikat na modelo at aktor na nagsimulang makilala noong taong 2003. Makikita ngayon ang aktor sa ABS-CBN Teleserye na “Pamilya Ko” na pinagbibidahan din nila JM De Guzman at primaydong aktres na si Sylvia Sanchez.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Woah! IF you have a girlfriend and your workmate seem to like you but she is also married? Will you still go for it? Visit our YouTube channel and let us hear what your opinions!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel