Recto: NTC, kinumpirmang walang utang ang ABS-CBN sa kanila

Recto: NTC, kinumpirmang walang utang ang ABS-CBN sa kanila

- Nitong Lunes ng umaga ay dumalo ang mga big boss ng ABS-CBN sa Senate hearing ng kanilang franchise renewal

- Habang nasa Senate session sila ay diretsahang tinanong ni Sen. Ralph Recto ang National Telecommunications Commission (NTC) kung may utang ba ang ABS-CBN sa kanila

- Samantala, sagot naman ng NTC na sa ngayon ay walang utang ang ABS-CBN sa kanila

- Kinuwestyon naman ni Recto ang layuning ipasara ang ABS-CBN kung wala naman itong utng sa NTC

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumalo ang mga big boss ng ABS-CBN sa Senate hearing nitong Lunes ng umaga.

Nalaman ng KAMI na ang mga ito ay hinarap ang mga alegasyon laban sa prangkisa ng TV network.

Ayon sa isang Facebook post ni Senador Ralph Recto, kinumpira ng National Telecommunications Commission (NTC) na wala umanong utang ang ABS-CBN sa kanila.

SEN. RECTO: Meron bang penalty ang ABS-CBN with the NTC
NTC: As of now, your honor, wala naman.
SEN. RECTO: You are the regulator and you are not complaining of any penalty. And here we are talking of the possibility of closing ABS-CBN. In effect, parang capital punishment. Papatayin natin. Death penalty. Bakit natin isasara kung wala naman palang penalty sa inyo?

Assuming merong penalty, e di pag multahin na lang. Bakit kailangang isara?” tanong ni Recto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang naibalita ng KAMI na suportado naman ni Senador Manny Pacquiao ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa mga nakaraang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ay diretsahan niyang sinabi na tututulan niya ang pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN. Nitong kamakailan lang ay naghain ng quo warranto si Solicitor General Jose Calida laban sa TV network.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Carla Abellana talked exclusively to KAMI about her new projects and the challenges she faced while making them! Check out all of the epic and exciting videos on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel