Crash Landing on You actor na si Hyun Bin, nagpaalala sa lahat ukol sa COVID-19

Crash Landing on You actor na si Hyun Bin, nagpaalala sa lahat ukol sa COVID-19

- Nagpaalala ang lead actor ng trending na Korean drama na "Crash Landing on You" ukol sa novel coronavirus

- Hiling ng South Korean Superstar na maging ligtas mula sa virus ang lahat

- Pinuri rin nito ang lahat ng nag-ta-trabaho at kumikilos upang mapuksa at malunasan ang COVID-19 at gumaling ang lahat ng infected nito

-Si Hyun Bin ay isa sa kinikilalang aktor ngayon sa South Korea at maging sa ibang parte ng mundo tulad ng Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tulad ng isang leading man sa pelikula at series, tila makatotohanan na ang pagpapakilig ng South Korean actor na si Hyun Bin.

Ang Oppa na ngayon ay tinitilian at kinakikiligan ng marami, nagpaalala kaugnay ng lumalalang sitwasyon dahil sa novel coronavirus.

Sa isang Instagram post na ibinahagi ng agency nito na Vast Entertainment, sinabi ni Hyun Bin na mag-ingat ang lahat at huwag pabayaan ang kalusugan.

Pinuri rin nito ang lahat ng nag-ta-trabaho upang mapuksa at malunasan ang COVID-19.

Hiling din nito na gumaling na ang mga taong infected ng nasabing virus na umabot na nga sa mahigit 70,000 ang naitalang kaso.

“You might be spending day after day [being] anxious and worrying over the Coronavirus disease 2019 which is occurring all over the world and throughout Asia including China and Japan as well as Korea. I’d like to ask [to look] after your health at least by writing to express my worry over whether the place you are at is safe.

"Just as we’ve always overcome difficulties by cheering each other on despite difficult times, I hope the Coronavirus disease 2019 passes by as soon as possible.

"I also appreciate those working tirelessly day and night to eradicate the virus, and I will cheer them on until the end. Furthermore, I sincerely wish the quick recovery of those suffering from its infection.

"Again, I hope all those reading this are able to maintain their safety and health from the virus and I will pray this incident safely passes by."

Si Hyun Bin o Kim Tae-pyung sa tunay na buhay ay isa sa hinahangaang aktor ngayon sa South Korea at maging sa ibang parte ng mundo tulad ng Pilipinas.

Pinag-uusapan at tila marami pa rin ang hindi maka-get-over sa latest Korean drama nito na "Crash Landing on You" kasama ang South Korean actress na si Son Ye-jin.

Ipinanganak ito noong September 25, 1982 sa Jamsilbon-dong, Seoul, South Korea.

Dati na itong napanood sa mga sikat na K-drama tulad ng My Name is Kim Sam-soon at Secret Garden.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel